DBM Press Release

To achieve President Ferdinand R. Marcos Jr.'s goal of reaching total electrification by end of his term, the Department of Budget and Management (DBM) approved the release of over P3.627 billion to support the implementation of the Strategized Rural Electrification and Operational Reliability for Electric Cooperatives (ECs) for 2025.
DBM Secretary Amenah "Mina" F. Pangandaman approved the release of a Special Allotment Release Order (SARO) for the said purpose to the National Electrification Administration (NEA).
"We have released more than P3.627 billion to cover the continuous implementation of NEA's Rural Electrification Program. Of this amount, based on their report, NEA will be able to cover the energization of 1,752 sitios and five (5) barangays under the 2025 subsidy," Sec. Mina said.
"Malaking bagay po 'yan para sa ating mga kababayan na hirap maabot ng serbisyo na mapailawan ang kanilang mga kabahayan. Sa pamamagitan din po nito, maisasakatuparan natin 'yung ipinag-utos ng Pangulo na bigyang internet connection ang mga paaralan sa malalayong lugar. Kapag may kuryente, magiging epektibo ang pagkakaroon ng connectivity gaano man kalayo," she added.
The energization of 1,752 sitios will be covered by P3.439 billion under the subsidy for FY 2025 for the Sitio Electrification Program under the FY 2025 General Appropriations Act.
Meanwhile, P68.839 million will rehabilitate five (5) barangays that were previously served by off-grid solutions but deemed unsustainable, through the Barangay Line Enhancement Program.
Further, a total of P120 million will be utilized to procure and distribute 4,000 units of Solar Photovoltaic Mainstreaming to provide electricity to communities without access to reliable power sources.
From 2017-2024 subsidy, the NEA has already energized a total of 9,645 sitios, leaving a balance of 9,622 unenergized targeted sitios to be funded until 2028.
###
DBM Press Release
Ika-01 ng Hulyo 2025
Pagsasakatuparan ng direktiba ni PBBM na palakasin ang kuryente, connectivity sa liblib na lugar
DBM, naglabas ng P3.627 bilyon para siguraduhin ang pagsasakatuparan ng rural electrification program ng gobyerno
Upang maisakatuparan ang mithi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maabot ang total electrification sa pagtatapos ng kanyang termino, inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng higit P3.627-bilyon para suportahan ang pagpapatupad ng Strategized Rural Electrification and Operational Reliability for Electric Cooperatives (ECs) para sa 2025.
Inaprubahan ni DBM Secretary Amenah "Mina" F. Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) sa National Electrification Administration (NEA) para sa layunin.
"We have released more than P3.627 billion to cover the continuous implementation of NEA's Rural Electrification Program. Of this amount, based on their report, NEA will be able to cover the energization of 1,752 sitios and five (5) barangays under the 2025 subsidy," pahayag ni Sec. Mina.
"Malaking bagay po 'yan para sa ating mga kababayan na hirap maabot ng serbisyo na mapailawan ang kanilang mga kabahayan. Sa pamamagitan din po nito, maisasakatuparan natin 'yung ipinag-utos ng Pangulo na bigyang internet connection ang mga paaralan sa malalayong lugar. Kapag may kuryente, magiging epektibo ang pagkakaroon ng connectivity gaano man kalayo," dagdag pa niya.
Ang energization ng 1,752 sitio ay sakop ng P3.439 bilyon sa ilalim ng subsidiya para sa FY 2025 para sa Sitio Electrification Program sa ilalim ng FY 2025 General Appropriations Act.
Samantala, ang P68.839 milyon ay magsasaayos ng limang (5) barangay na dating sineserbisyuhan ng off-grid solutions ngunit napag-alamang unsustainable, sa pamamagitan ng Barangay Line Enhancement Program.
Higit pa, may kabuuang P120 milyon na gagamitin para sa pagprocure at pamamahagi ng 4,000 yunit ng Solar Photovaltaic Mainstreaming upang magbigay ng kuryente sa mga komunidad na walang access sa maaasahan power sources.
Mula sa 2017 hanggang 2024 na subsidiya, nakapagbigay na ng kuryente ang NEA sa kabuuang 9,645 na mga sitio, na nag-iiwan ng balance na 9,622 na unenergized targeted sitios na popondohan hanggang 2028.
###