Accessibility Tools

 

 
DBM Press Release
 
 
In steadfast support of President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive to build a stronger foundation for the country’s future, Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman has approved the release of ₱309 million to 103 barangays for the establishment of Child Development Centers (CDCs) through multi-purpose building (MPB) projects.
 
This initiative is under the Local Government Support Fund – Financial Assistance to LGUs (LGSF-FA to LGUs in the 2025 national budget. It also follows the guidelines set by the DBM and the Department of Education (DepEd) through Joint Circular No. 2, issued last April.
 
Bilang pagsunod po sa direktiba ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tinutugunan po natin ang pangangailangan ng mga bata bago pa man sila pumasok sa paaralan. This is part of our continuing support for Child Development Centers, aimed at giving our children a fair start even before they step into classrooms,” said Secretary Mina.
 
A total of 328 low-income LGUs are targeted to benefit from this, with 89 in Luzon, 106 in the Visayas, and 133 in Mindanao, including the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
 
Under the program, LGUs must provide at least 150 square meters of land, sign a Memorandum of Agreement (MOA) with the Early Childhood Care and Development (ECCD) Council, and take on operational responsibilities to ensure the long-term viability of the CDCs.
 
The DBM, DepEd, DILG, and the ECCD Council continues to work closely with local governments to monitor implementation and deliver results where they matter most—at the community level.
 
###
 
 
DBM Press Release
Ika-26 ng Hunyo 2025
 
Building dreams before the first bell rings
DBM Secretary Pangandaman, inaprubahan ang pagpapalabas ng P309 milyon para sa pagtatayo ng Child Development Centers sa 103 Barangay sa buong bansa
 
Bilang matibay na suporta sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumuo ng mas matibay na pundasyon para sa kinabukasan ng bansa, inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman ang pagpapalabas ng ₱309 milyon sa 103 barangay para sa pagtatayo ng Child Development Centers (CDCs) sa pamamagitan ng multi-purpose building (MPB) projects.
 
Ang inisyatibang ito ay nasa ilalim ng Local Government Support Fund – Financial Assistance to LGUs (LGSF-FA) to LGUs sa 2025 national budget. Ito ay sumusunod din sa guidelines na itinakda ng DBM at ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng Joint Circular No. 2, na inilabas noong Abril.
 
Bilang pagsunod po sa direktiba ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tinutugunan po natin ang pangangailangan ng mga bata bago pa man sila pumasok sa paaralan. This is part of our continuing support for Child Development Centers, aimed at giving our children a fair start even before they step into classrooms,” ayon kay Secretary Mina.
 
May kabuuang 328 na low-income LGUs ang target na makikinabang dito, kung saan 89 sa Luzon, 106 sa Visayas, at 133 sa Mindanao, kabilang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
 
Sa ilalim ng programa, ang mga LGU ay dapat maglaan ng hindi bababa sa 150 square meters ng lupa, pumirma sa Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Early Childhood Care and Development (ECCD) Council, at gampanan ang mga operational responsibilities upang matiyak ang long-term viability ng mga CDC.
 
Ang DBM, DepEd, DILG, at ang ECCD Council ay patuloy na nakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang subaybayan ang pagpapatupad at maghatid ng mga resulta kung saan ito higit na kinakailangan— at ‘yun ay sa mga komunidad.
 
###