Accessibility Tools

 

 
DBM Press Release
 
 
Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman approved the issuance of a Special Allotment Release Order (SARO) amounting to P1 billion for this year’s Marawi Siege Victims Compensation.
 
This allocation provides monetary compensation for 574 beneficiaries/recipients, specifically for structural damages and death claims.
 
Secretary Mina highlighted the significance of the fund release as part of the government's ongoing effort to provide assistance to those impacted by the siege.
 
As a daughter of Mindanao, I can say na malaking tulong po itong P1-billion Marawi Siege Victims Compensation para tuluyang makabangon ang mga kababayan natin sa Marawi. Gusto po ng administrasyon ni President BBM na mabigyan ng sapat na suporta at kakayanan ang mga apektadong pamilya na maibalik sa normal ang kanilang pamumuhay,” Sec Mina stated.
 
The financial assistance, intended for victims of the 2017 Marawi crisis, aims to continue providing much-needed support for recovery and rehabilitation. The compensation covers claims for both fully and partially damaged structures, as well as for lives lost during the conflict.
 
Section 41 of the Implementing Rules and Regulations (IRR) of RA No. 11696 outlines a fair and efficient process for determining monetary compensation. Eligible claimants will receive payments based on the extent of their losses, including residential, commercial, or personal properties.
 
The Marawi Compensation Board, created under RA No. 11696, will manage the fund distribution. Compensation is tax-free, ensuring beneficiaries receive the full amount. For those who lost their lives during the siege, their families will also receive compensation according to the Code of Muslim Personal Laws of the Philippines or the Civil Code of the Philippines. If the original property owner is deceased, legal heirs may claim the compensation by submitting the necessary documents.
 
The SARO, approved on 24 September 2024, is chargeable against the FY 2024 General Appropriations Act.
 
 
###
 
 
DBM Press Release
ika-25 ng Setyembre 2024
 
Rebuilding lives, restoring hope
DBM, naglabas ng P1 bilyon para sa 2024 Marawi Siege Victims Compensation
 
Inapubrahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalagang P1 bilyon para sa Marawi Siege Victims Compensation para ngayong taon.
 
Ang alokasyon na ito ay magbibigay ng kompensasyon para sa 574 benepisyaryo/tatanggap, partikular na para sa mga nasirang ari-arian at mga death claim.
 
Binigyang-diin ni Secretary Mina ang kahalagahan ng pagpapalabas ng pondo bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na bigyang tulong ang mga naapektuhan ng labanan.
 
As a daughter of Mindanao, I can say na malaking tulong po itong P1-billion Marawi Siege Victims Compensation para tuluyang makabangon ang mga kababayan natin sa Marawi. Gusto po ng administrasyon ni President BBM na mabigyan ng sapat na suporta at kakayanan ang mga apektadong pamilya na maibalik sa normal ang kanilang pamumuhay,” pahayag ni Sec Mina.
 
Ang tulong pinansyal na ito, na nakalaan para sa mga biktima ng krisis sa Marawi noong 2017, ay naglalayong ipagpatuloy ang pagbibigay ng kinakailangang suporta para sa rehabilitasyon at muling pagbangon ng lungsod. Sakop ng kompensasyon ang mga claim para sa mga tuluyan at bahagyang nawasak na istruktura, gayundin para sa mga binawian ng buhay noong panahon ng labanan.
 
Nakabalangkas sa Section 41 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) RA No. 11696 ang isang patas at mabisang proseso sa pagtukoy ng halaga ng kompensasyon. Makatatanggap ng kabayaran ang mga kwalipikadong claimants batay sa lawak ng pinsala sa kanila, kasama ang residential, commercial, o personal na ari-arian.
 
Ang Marawi Compensation Board, na nalikha sa ilalim ng RA No. 11696, ang mamamahala sa distribusyon ng pondo. Ang kompensasyon ay walang buwis, na nagtitiyak na matatanggap ng mga benepisyaryo ang buong halaga. Para sa mga nasawi sa labanan, tatanggap din ng kompensasyon ang kanilang mga pamilya alinsunod sa Code of Muslim Personal Laws of the Philippines o Civil Code of the Philippines. Kung pumanaw na ang orihinal na may-ari ng ari-arian, maaaring mag-claim ng kompensasyon ang mga legal na tagapagmana sa pamamagitan ng pagsusumite ng kinakailangang dokumento.
 
Ang SARO, na inapubrahan noong ika-24 ng Setyembre 2024, ay magmumula sa FY 2024 General Appropriations Act.
 
 
###