Accessibility Tools

 

 
DBM Press Release
 
 
Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman has called for amending the Philippine Local Government Code of 1991, otherwise known as Republic Act No. 7160, to allow retroactive salary increases for local government unit (LGU) workers.
 
Kailangan natin baguhin ‘yung [Local Government Code], ‘yung batas diyan... Tulungan n'yo kami ilatag para hindi kayo ma-exempt, pwede kayo sa retroactive,” urged Secretary Pangandaman during the 11th leg of the Public Financial Management Competency Program (PFMCP) for LGUs in Butuan City.
 
It can be recalled that on 12 August 2024, the guidelines for the implementation of the Salary Standardization Law VI (SSL VI) for state workers were approved. The guidelines allow national government agencies and offices to begin its implementation, with the first tranche of salary adjustments taking effect retroactively from 01 January 2024.
 
Secretary Pangandaman highlighted that the current provisions of the Code, which govern the fiscal autonomy of LGUs, lack the necessary flexibility to permit retroactive adjustments in employee compensation, particularly in the areas of salary standardization and other wage-related benefits. Meanwhile, she added that the DBM has implemented a health allowance for executive employees, which she hopes LGUs will eventually adopt.
 
In the same event, the Budget Secretary noted, “May limitations, but we tried. In the meantime, kahit papaano may increase ng salary. Hopefully, baka pwede n'yo rin pong ma-embrace ‘yung ginawa po naming health allowance.”
 
The DBM has been conducting the PFMCP for LGUs since September 2023, to promote good governance, financial accountability, and effective resource management among local government institutions through capacity-building.
 
The program underscores the administration's commitment to strengthening the capabilities of LGUs, ensuring they can effectively manage resources and deliver public services.
 
On the other hand, the appeal of Sec. Pangandaman to improve the local government code aligns with the broader vision of President Ferdinand R. Marcos Jr’s administration of a unified and equitable “Bagong Pilipinas,” where local government employees are adequately supported in their roles within the community.
 
 
###
 
 
DBM Press Release
ika-30 Agosto 2024
 
Pangandaman, isinusulong ang pag-amyenda sa Local Government Code para palakasin ang mga empleyado sa LGU, bigyang-daan ang retroactive na pagtaas ng sahod
 
Nanawagan si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman sa pag-amyenda sa umiiral na Philippine Local Government Code of 1991, o kilala bilang Republic Act No. 7160, para  bigyang-daan ang retroactive na pagtaas sa sweldo ng mga manggagawa sa local government units (LGU).
 
Kailangan natin baguhin ‘yung [Local Government Code], ‘yung batas diyan... Tulungan n'yo kami ilatag para hindi kayo ma-exempt, pwede kayo sa retroactive,” paghikayat ni Secretary Pangandaman sa gitna ng pagdaos ng ikalabing limang Public Financial Management Competency Program (PFMCP) for local government units (LGUs) sa Butuan City.
 
Matatandaang noong ika-12 ng Agosto 2024, inaprubahan na ang guidelines para sa implementasyon ng Salary Standardization Law VI (SSL VI). Ang guidelines ay hudyat para sa mga ahensya at opisina ng pamahalaan na ipatupad ang unang tranche ng salary increase na retroactive o ihahabol epektibo simula ika-01 ng Enero 2024.
 
Ipinunto ni Sec. Mina na ang kasalukuyang probisyon sa Local Government Code, na nagtatakda sa fiscal autonomy ng mga LGU, ay nangangailangan ng flexibility para pahintulutan ang retroactive adjustment sa pasweldo sa mga empleyado, partikular na sa usapin ng salary standardization at iba pang wage-related benefits. Samantala, dagdag pa ng Kalihim, ipinatupad din ng DBM ang pagbibigay ng health allowance sa mga empleyado sa ehekutibo, at umaasa s'yang sa kalaunan ay maipatutupad din sa mga LGU.
 
Sa naturang programa, sinabi din n'ya na, “May limitations, but we tried. In the meantime, kahit papaano may increase ng salary. Hopefully, baka pwede n'yo rin pong ma-embrace ‘yung ginawa po naming health allowance.”
 
Nagsasagawa ang DBM ng PFMCP for LGUs simula pa Setyembre 2023, para itaguyod ang wastong pamamahala, financial accountability, at epektibong resource management sa local government institutions sa pamamagitan ng capacity-building.
 
Binibigyang-diin ng programa ang pagsasakatuparan sa pangako ng administrasyon na palakasin ang mga kakayahan ng mga LGU at siguruhin na epektibo nilang pinamamahalaan ang mga resources at naibibigay nang tama ang serbisyo sa publiko.
 
Sa kabilang banda, ang paghikayat ni Sec. Pangandaman na amyendahan ang local government code ay alinsunod naman sa malawakang mithiin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa nagkakaisa at makatarungang “Bagong Pilipinas,” kung saan ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan ay nabibigyan ng sapat na suporta para magampanan ang kani-kanilang tungkulin sa komunidad.