Accessibility Tools

 

 

DBM PRESS RELEASE

Patuloy na pag-agapay sa nangangailangan P230.057 bilyon inilaan para sa tulong ng DSWD sa mga sektor na nangangailangan

Patuloy na pag-agapay sa nangangailangan
 
Sa ilalim ng FY 2025 National Expenditure Program (NEP), naglaan and administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P230.057 bilyon para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang magbigay ng tulong sa pinakanangangailangang sektor sa bansa. Mula sa ipinanukalang P6.352 trilyong national budget para sa susunod na taon, ang pinakamalaking bahagi – P2.121 trilyon – ay inilaan sa mga serbisyong panlipunan.
Ang nakalaang pondo na ito ay hindi lang para tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan, kundi isang pangako na nandito po ang administrasyon ni Pangulong BBM para sa kanila—hindi natin sila pababayaan,” pahayag ni DBM Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman.
 
Every peso allocated for our social services is a lifeline that brings hope and a brighter future within reach for families who continue to dream… This is about recognizing their dignity and taking concrete steps toward a more just and progressive society,” dagdag pa niya.
Mula sa P230.057 bilyong kabuuhang budget ng DSWD, inilaan ang bulto nito, o P205.502 bilyon, para sa pagpapatupad ng mga sumusunod na social assistance programs:
Pantawid Pamilyang Pilipino Program
Sa pinalakas na pagsusumikap na mabawasan ang kahirapan at itaguyod ang social development, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay nakatanggap ng mas mataas na alokasyon mula P106.35 bilyon sa 2024 General Appropriations Act (GAA) patungong P114.185 bilyon sa 2025 NEP.
 
Bilang isa sa mga pangunahing inisyatibo ng gobyerno, ang 4Ps ay nagbibigay sa mga kwalipikadong pamilya, alinsunod sa nakasaad sa Section 6 ng Republic Act (RA) No. 11310, ng tulong pinansyal, rice subsidies, karagdagang support services, operational costs, at sweldo. Ang mga pamilyang nakatugon sa mga requirements ng programa ay makakatanggap ng mga ayuda sa edukasyon, bigas, at kalusugan, pati na rin ng tulong sa pangkabuhayan at mga serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng PhilHealth, na sisiguro sa isang  na naniniguro ng komprehensibong support system upang mapabuti ang kalidad ng buhay.  
 
Social Pension for Indigent Senior Citizens
Ang Social Pension for Indigenous Senior Citizens (SPISC), na binigyan ng P49.807 bilyon, ay nagbibigay ng mahalagang suportang pinansyal para sa mga pangangailangan ng mga indigent elderly Filipinos. .
 
Itinatag sa ilalim ng Expanded Senior Citizens Act of 2010 (RA No. 9994) at RA No. 11916, ang programang ito ay idinisenyo upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga indigent senior citizens, mabawasan ang pagkagutom, at maprotektahan sila mula sa  kapabayaan at mga kalamidad.
 
Protective Services Program
May kabuuang P35.186 bilyon din ang inilaan sa Protective Services para sa mga indibidwal, pamilya at komunidad na nasa mahirap na kalagayan. Gagamitin ito bilang tulong-pinansyal para sa mga nangangailangan, kabilang ang pagbibigay ng food packs, transportation, medical at burial assistance, suporta sa mga estudyante, cash o food for work, rice subsidies, at iba pang klase ng tulong. Ang Protective Services Program ay idinesenyo para matulungan ang mga vulnerable na mga indibidwal, pamilya, at komunidad, mga nasa panganib, o apektado ng mga kalamidad at iba pang mapaghamong sitwasyon.
 
Sustainable Livelihood Program
Upang mabigyang-lakas ang mga vulnerable at marginalized na kabahayan at komunidad, ang Sustainable Livelihood Program (SLP) ay pinaglaanan ng P4.433 bilyon. Ang programang ito ay nakatuon sa pagbuo ng kakayahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang resources at skills upang matulungan ang mga grupong ito na makilahok sa at mapanatili ang matagumpay na kabuhayan. Sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga kalahok ng mga kasangkapan at oportunidad na kailangan upang makapagsimula at mapanatili ang matagumpay na mga negosyo at income-generating activities, layunin ng SLP na putulin ang cycle of poverty at itaguyod ang long-term financial stability.
 
Philippine Food Stamp Program
Sa huli, ang inilaan para sa Philippine Stamp Program (FSP) ay P1.890 bilyon. Nagbibigay ang FSP ng holistic approach sa paglaban sa pagkagutom sa anyo ng Electronic Benefit Transfer Cards, partikular sa mga nangangailangan habang hinihikayat silang sumali sa mga training at skill-building activities para matulungan silang makahanap ng mga mas magandang oportunidad sa trabaho.
 
###