DBM PRESS RELEASE
Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah "Mina" F. Pangandaman announced that starting in 2025, government employees, including public school teachers, will receive medical allowance of P7,000.
"Yung tinatawag po nating medical allowance, bago po 'yan. It will start next year po. Dati, sa executive po, wala po kaming HMO (health maintenance organization). Wala po kaming medical allowance. Uniform po na matatanggap ang medical allowance, P7,000. Lahat po [kasama], pati po ang ating mga teachers," Secretary Mina said.
"Ang alam ko po ngayon ang nare-receive nila [DepEd Teachers] for the longest time is just P500. So, kahit papaano po nakatulong," she added. The amount is included under the Teaching Allowance, formerly the Cash Allowance.
Secretary Mina shared the good news during her interview at the "Kapihan sa Manila Bay" with seasoned journalist Marichu Villanueva.
The Budget Secretary discussed several important topics, including the 2025 National Expenditure Program (NEP) and the salary increase of government workers, as provided in Executive Order (EO) No. 64 recently signed by President Ferdinand R. Marcos Jr. According to the EO, government employees will also receive an annual medical allowance not exceeding P7,000 as a subsidy for the availment of health maintenance organization (HMO)-type benefits.
Apart from the salary increase and medical allowance for teachers, other benefits intended for the country's educators will receive allocations in the FY 2025 NEP.
These include the Teaching Allowance, Compensation for Teaching Overload, Special Hardship Allowance, and World Teachers' Day Incentive.
###
DBM Press Release
Ika-22 ng Agosto 2024
Pangandaman: Mula P500, makatatanggap ng P7,000 medical allowance ang mga guro simula sa susunod na taon
Inanunsyo ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman na simula 2025, makatatanggap ang mga empleyado ng gobyerno, kabilang ang mga guro sa pampublikong paaralan, ng P7,000 na medical allowance.
"Yung tinatawag po nating medical allowance, bago po 'yan. It will start next year po. Dati, sa executive po, wala po kaming HMO (health maintenance organization). Wala po kaming medical allowance. Uniform po na matatanggap ang medical allowance, P7,000. Lahat po [kasama], pati po ang ating mga teachers," pahayag ni Secretary Mina.
"Ang alam ko po ngayon ang nare-receive nila [DepEd Teachers] for the longest time is just P500. So, kahit papaano po nakatulong," dagdag niya. Ang halaga ay kasama sa Teaching Allowance na dating Cash Allowance.
Ibinahagi ni Secretary Mina ang magandang balita sa kanyang panayam sa “Kapihan sa Manila Bay” kasama ang beteranong mamahayag na si Marichu Villanueva.
Tinalakay ng Budget Secretary ang ilang mahahalagang usapin, kabilang na ang 2025 National Expenditure Program (NEP) at ang umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno, alinsunod sa Executive Order (EO) No. 64 na nilagdaan kamakailan lang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon sa EO, makatatanggap din ang mga empleyado ng gobyerno ng taunang medical allowance na hindi hihigit sa P7,000 bilang subsidy para sa pag-avail ng mga health maintenance organization (HMO)-type nenefits.
Maliban sa pagtaas ng sahod at medical allowance para sa mga guro, ang iba pang mga benepisyo para sa ating mga guro ay pinaglaanan din ng pondo sa FY 2025 NEP.
Kasama rito ang Teaching Allowance, Compensation for Teaching Overload, Special Hardship Allowance, at World Teachers’ Day Incentive.
###