DBM Press Release
Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah "Mina" F. Pangandaman assured that the first tranche of the salary increase for government workers will take effect this year.
Secretary Mina made the statement during a briefing by the Development Budget Coordination Committee (DBCC) to the House Committee on Appropriations, as the House of Representatives officially begins its deliberations on the proposed P6.352 trillion National Budget for 2025.
Together with the rest of the members of President Ferdinand R. Marcos Jr.'s economic team, she presented the key dimensions and highlights of the proposed National Budget for the upcoming year.
"For this year po, we’re still finalizing, Madam Chair, 'yung guidelines po, but initially, 'yung balanse po for the adjustment, puwede pong kunan sa MPBF (Miscellaneous Personnel Benefits Fund) kasi meron pa po tayong more or less P19 billion d’yan. And then 'yung balance po, kukunin po natin sa Unprogrammed Appropriations po," Secretary Mina explained, when asked about when the Salary Standardization Law VI (SSL VI) will be implemented, following the issuance of the Executive Order (EO) No. 64 on 02 August 2024.
The DBM earlier shared that the additional cost of implementing the first tranche of SSL VI for national government employees in 2024 is estimated at approximately P36 billion.
Deputy Minority Leader and ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, who raised the question and clarification about the implementation of the first tranche of SSL VI, expressed her commendations to the Budget Secretary, especially for conducting important dialogues with educators.
"Siguro, gusto ko lang i-announce na si Secretary Pangandaman, laging open ‘yan for dialogue. Lagi ‘yang nakikipag-dialogue sa mga teachers, sa kakulitan ng teachers sa mga salary, sa anumang benefits ng teacher, lagi open ang DBM. So 'yun po yung kagandahan naman ng DBM natin sa ngayon," the lawmaker said.
To recall, Sec. Mina met with the Alliance of Concerned Teachers (ACT) and Teachers’ Dignity Coalition (TDC) to deliberate on critical issues affecting the education sector in two separate meetings last month.
Higher salary for sub-professional, professional employees
Meanwhile, the recently issued EO No. 64 signed by President Ferdinand R. Marcos Jr., grants a higher percentage of salary increase to professional and sub-professional government employees compared to the rate of increase for those in managerial, executive, and top leader positions.
The first part of the four-tranche salary increase for national government employees will begin this year, retroactively from January 2024. This will be followed by yearly salary adjustment starting January 2025 until January 2027.
Under the first tranche, the average rate of salary increase from SG-1 to SG-31 will be 4.41%, bringing the compensation of government employees to 84.33% of the market.
At the Sub-Professional Level (SGs 1 to 10), the increase will be between 4% and 5.20%. The minimum basic salary (SG-1) will be adjusted from P13,000 to P13,530, resulting in a P530 increase.
At the Professional Level (SGs 11 to 24), the increase will range from 4.50% to 5.60% in order to make government pay more competitive with the market. It is worth noting that this category includes the talent or skilled workforce required by agencies to carry out their mandate, thus, the pay should be comparable with the market.
For Managerial Level (SGs 25 to 28), the increase will be within 4.15% to 4.40%; while for Executive Level (SGs 29 to 31), it will be from 2.65% to 3.90%; and for Top Leaders (SGs 31 to 33), increase will be within 2.35% to 2.40%.
Compared to SSL V, the proposed rate of increase under SSL VI will be slightly higher, as leverage to increase the marketability of working for the government and engage high-performing personnel.
###
DBM Press Release
ika-12 Agosto 2024
Pangandaman: Unang tranche ng salary hike para sa gov’t workers magiging epektibo ngayong taon; sub-pro, professional employees makakakuha ng mas mataas na umento
Tiniyak ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah "Mina" F. Pangandaman na ang unang tranche ng salary increase para sa mga government workers ay maipatutupad na ngayong taon.
Ipinahayag ito ni Secretary Mina sa isinigawang briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa House Committee on Appropriations, sa opisyal na pagsisimula ng deliberasyon ng House of Representatives sa proposed P6.352 trillion National Budget para sa 2025.
Kasama ang iba pang miyembro ng economic team ni President Ferdinand R. Marcos Jr., iprinisenta ng Kalihim ang key dimensions at highlights ng proposed National Budget para sa susunod na taon.
"For this year po, we’re still finalizing, Madam Chair, 'yung guidelines po, but initially, 'yung balanse po for the adjustment, puwede pong kunan sa MPBF (Miscellaneous Personnel Benefits Fund) kasi meron pa po tayong more or less P19 billion d’yan. And then 'yung balance po, kukunin po natin sa Unprogrammed Appropriations po," paliwanag ni Secretary Mina matapos tanungin kung kailan ipatutupad ang Salary Standardization Law VI (SSL VI), kasunod ng pag-isyu ng Executive Order (EO) No. 64 noong ika-02 ng Agosto 2024.
Nauna nang ibinahagi ng DBM na ang kinakailangang pondo sa pagpapatupad ng unang tranche ng SSL VI para mga empleyado ng national government sa 2024 ay tinatayang nasa higit-kumulang P36 billion.
Pinuri naman si Budget Secretary ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, na siyang nagtanong at humingi ng linaw tungkol sa implementasyon ng unang tranche ng SSL VI, lalo na para sa pagsasagawa ng Kalihim ng mga mahahalagang dayalogo kasama ang mga guro.
"Siguro, gusto ko lang i-announce na si Secretary Pangandaman, laging open ‘yan for dialogue. Lagi ‘yang nakikipag-dialogue sa mga teachers, sa kakulitan ng teachers sa mga salary, sa anumang benefits ng teacher, lagi open ang DBM. So 'yun po yung kagandahan naman ng DBM natin sa ngayon," ayon sa mambabatas.
Kung matatandaan, nakipagpulong si Sec. Mina sa magkahiwalay na meeting noong nakaraang buwan sa Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Teachers’ Dignity Coalition (TDC) upang pag-usapan ang mga kritikal na isyu na nakaaapekto sa sektor ng edukasyon.
Mas mataas na sweldo para sa sub-professional, professional employees
Samantala, ang inilabas na EO No. 64 na nilagdaan kamakailan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ay nagbibigay ng mas mataas na porsyento ng pagtaas ng suweldo sa mga propesyonal at sub-propesyonal na empleyado ng gobyerno, kumpara sa rate ng increase para sa mga nasa managerial, executive, at top leader na posisyon.
Magsisimula ang unang bahagi ng apat na tranche ng salary increase para sa mga national government employees ngayong taon, na retroactive mula January 2024. Susundan ito ng taunang salary adjustment simula January 2025 hanggang January 2027.
Sa ilalim ng unang tranche, ang average rate ng salary increase mula SG-1 hanggang SG-31 ay magiging 4.41%, na magdudulot ng kompensasyon sa mga kawani ng gobyerno sa 84.33% ng merkado.
Sa Sub-Professional Level (SGs 1 to 10), ang increase ay sa pagitan ng 4% hanggang 5.20%. Ia-adjust ang minimum basic salary (SG-1) mula P13,000 hanggang P13,530, na magreresulta sa P530 na pagtaas.
Sa Professional Level (SGs 11 to 24), maglalaro ang pagtaas sa pagitan ng 4.50% hanggang 5.60% upang gawing mas competitive sa merkado ang sahod sa gobyerno. Kasama sa kategoryang ito ang talent o skilled workforce na kinakailangan ng mga ahensya upang maisagawa ang kanilang mandato, kaya't nararapat na comparable ang sahod nila sa merkado.
Sa Managerial Level (SGs 25 to 28), ang increase ay sa pagitan ng 4.15% to 4.40%; habang ang Executive Level (SGs 29 to 31) ay magiging mula 2.65% hanggang 3.90%; at para sa mga Top Leader (SGs 31 to 33), ang increase ay nasa loob ng 2.35% hanggang 2.40%.
Kung ikukumpara sa SSL V, ang panukalang rate ng increase sa ilalim ng SSL VI ay bahagyang mas mataas, bilang leverage upang taasan ang marketability ng pagtatrabaho sa gobyerno at nang makapanghikayat ng high-performing personnel.
###