Accessibility Tools

 

 
DBM PRESS RELEASE
 
Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah "Mina" F. Pangandaman hopes for the speedy settlement of unpaid health emergency allowance (HEA) claims of healthcare workers as she approved the release of a Special Allotment Release Order (SARO) for the purpose amounting to P27.453 billion on Friday, 05 July 2024.
 
This fulfills DBM's commitment to release the additional funding on the said date, as earlier announced by the Budget Secretary.
 
The released fund is expected to compensate a total of 5,039,926 unpaid HEA and 4,283 COVID-19 Sickness and Death Compensation claims.
 
In an earlier radio interview, Secretary Mina shared that the DBM will closely coordinate with the Department of Health (DOH) to ensure the timely, proper, and efficient distribution of HEA.
 
Ang pakiusap po namin sa DOH ay sana po maging maayos, mabilis at efficient ang kanilang pag-distribute ng HEA. Sana po ay magawa nila ito sa mas madaling panahon, dahil matagal na din po itong hinihintay ng ating mga kababayan,” Sec. Mina said._
 
We will closely coordinate po with the Department of Health. Madali naman pong kausap si [DOH] Sec. Herbosa. We will monitor po kung gaano po kabilis at kung tama po ba ang kanilang distribution,” she continued.
 
The SARO has been issued to the DOH to cover the payment of Public Health Emergency Benefits and Allowances (PHEBA) of eligible health and non-healthcare workers. PHEBA includes Special Risk Allowance (SRA), compensation for COVID-19 sickness and death, and additional benefits like meals, accommodation, and transportation allowances for healthcare workers.
 
To recall, the DOH officially requested the P27.453 billion funding requirement in May this year. The same amount was likewise proposed by the agency for inclusion in their FY 2025 National Expenditure Program proposal.
 
"Hindi na po kailangang hintayin pa next year o sa 2025 national budget ang pondo para mabayaran 'yung natitirang HEA claims dahil tulad po ng sinabi ko, tutuparin po natin ang pangako ni Pangulong Bongbong Marcos na makuha na ng ating mga healthcare worker ang kanilang benepisyo ngayong taon," Secretary Pangandaman said.
 

###
 
 
DBM PRESS RELEASE
Ika-5 ng Hulyo 2024
 
Healthcare workers, matatanggap na ang natitirang HEA claims
PANGANDAMAN, INAPRUBAHAN ANG PAGPAPALABAS NG P27 BILYON PARA MABAYARAN NANG BUO ANG HEALTH EMERGENCY ALLOWANCE ARREARS; DBM, MAKIKIPAG-UGNAYAN SA DOH PARA SA EPISYENTENG DISTRIBUSYON NG HEA
 
Umaasa si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah "Mina" F. Pangandaman sa mabilis na pagproseso sa mga unpaid health emergency allowance (HEA) claims ng mga healthcare worker, matapos n'yang aprubahan ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) para dito ngayong Biyernes, ika-5 ng Hulyo 2024, na nagkakahalaga ng P27.453 bilyon.
 
Ito ay pagtupad rin sa pangako ng DBM na magpalabas ng karagdagang pondo sa nasabing petsa, gaya ng naunang inanunsyo ng Budget Secretary.
 
Inaasahan na ang inilabas na pondo ay makakapagbayad sa kabuuang 5,039,926 unpaid HEA at 4,283  COVID-19 Sickness and Death Compensation claims.
 
Sa kaniyang panayam sa radyo, ibinahagi ni Secretary Mina na mahigpit na makikipag-ugnayan ang DBM sa Department of Health (DOH) upang matiyak ang napapanahon, maayos, at episyenteng pamamahagi ng HEA.
 
Ang pakiusap po namin sa DOH ay sana po maging maayos, mabilis at efficient ang kanilang pag-distribute ng HEA. Sana po ay magawa nila ito sa mas madaling panahon, dahil matagal na din po itong hinihintay ng ating mga kababayan,” pahayag ni Sec. Mina.
 
We will closely coordinate po with the Department of Health. Madali naman pong kausap si [DOH] Sec. Herbosa. We will monitor po kung gaano po kabilis at kung tama po ba ang kanilang distribution,” pagpapatuloy niya._
 
Naisyu na ang SARO sa DOH upang mabayaran ang Public Health Emergency Benefits and Allowances (PHEBA) ng mga kwalipikadong health at non-healthcare workers. Sakop ng PHEBA ang Special Risk Allowance (SRA), kompensasyon para sa pagkakasakit at pagkamatay dahil sa COVID-19, at mga karagdagang benepisyo tulad ng mga allowance sa pagkain, tirahan, at transportasyon para sa mga healthcare worker.
 
Matatandaang opisyal na hiniling ng DOH ang P27.453 bilyon na kinakailangang pondo noong Mayo ngayong taon. Ang parehong halaga ay iminungkahi din ng ahensya na maisama sa kanilang FY 2025 National Expenditure Program.
 
"Hindi na po kailangang hintayin pa next year o sa 2025 national budget ang pondo para mabayaran 'yung natitirang HEA claims dahil tulad po ng sinabi ko, tutuparin po natin ang pangako ni Pangulong Bongbong Marcos na makuha na ng ating mga healthcare worker ang kanilang benepisyo ngayong taon," pahayag ni Secretary Pangandaman.
 
###