DBM PRESS RELEASE
Pursuant to Republic Act No. 11713 or the Excellence in Teacher Education Act and in adherence to the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to devise concrete measures to uphold the welfare of teachers across the country, Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman has approved the organizational structure and staffing pattern (OSSP) of the Teacher Education Council (TEC) Secretariat under the Department of Education (DepEd), which includes the creation of 25 permanent positions.
The approval of said OSSP for the TEC Secretariat is upon the request of the DepEd in order to augment its initial staffing complement for the purpose.
The TEC ensures the provision of quality education and training of teachers by establishing a scholarship program for deserving students, pursuing teacher education degree programs, as well as for teachers and school leaders pursuing graduate degree programs, and providing a dynamic, modern, and equitable education system.
“To further empower our educators and foster quality education for the benefit of our learners, we have approved the organizational structure and staffing pattern of the TEC Secretariat and the creation of 25 additional permanent positions therein,” Sec. Mina said.
“Ang sabi nga po ni Pangulong Bongbong Marcos, kailangan nating magpatupad ng mga konkretong hakbang para isulong ang kapakanan ng ating mga guro. Kaya naman po, sisiguruhin nating mabibigyan ng suporta ang mga programa na magpapaangat sa kalidad ng kanilang pagtuturo,” the Budget Secretary added._
To support and assist the Council in the performance of its functions and implement its projects and programs, the creation of four (4) organizational units was likewise considered under the Secretariat. These units include the Office of the Executive Director, Student Incentives Support Office, Quality Pre-Service Teacher Education Office, and the Quality Teaching Office.
The creation of new organizational units and positions for the TEC Secretariat is considered to carry out its mandated functions effectively and efficiently.
Secretary Pangandaman approved the requisite Notice of Organization, Staffing and Compensation Action for the TEC Secretariat on 21 May 2024.
DBM Press Release
10 June 2024*
Pangandaman, inaprubahan ang 25 permanenteng posisyon para sa Teacher Education Council Secretariat
Alinsunod sa Republic Act No. 11713 o ang Excellence in Teacher Education Act, at sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gumawa ng mga konkretong hakbang para maitaguyod ang kapakanan ng mga guro sa buong bansa, inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman ang organizational structure and staffing pattern (OSSP) ng Teacher Education Council (TEC) Secretariat na nasa ilalim ng Department of Education (DepEd), kabilang na ang paglikha ng 25 permanenteng posisyon.
Ang pag-apruba sa OSSP para sa TEC Secretariat ay bunga ng kahilingan ng DepEd upang madagdagan ang inisyal na staffing complement para sa layuning ito.
Sinisiguro ng TEC ang pagbibigay ng kalidad na edukasyon at pagsasanay ng mga teacher sa pamamagitan ng pagtatatag ng scholarship program para sa mga karapat-dapat na estudyante na kumukuha ng mga teacher education degree program, pati na rin para sa mga guro at lider ng paaralan na kumukuha ng graduate degree programs, gayundin ang makapagbigay ng isang , dynamic, makabago, at equitable education system.
“To further empower our educators and foster quality education for the benefit of our learners, we have approved the organizational structure and staffing pattern of the TEC Secretariat and the creation of 25 additional permanent positions therein,” pahayag ni Sec. Mina.
“Ang sabi nga po ni Pangulong Bongbong Marcos, kailangan nating magpatupad ng mga konkretong hakbang para isulong ang kapakanan ng ating mga guro. Kaya naman po, sisiguruhin nating mabibigyan ng suporta ang mga programa na magpapaangat sa kalidad ng kanilang pagtuturo,” dagdag ng Budget Secretary.
Upang suportahan at tulungan ang Council sa pagganap ng kanilang mga tungkulin at ipatupad ang kanilang mga proyekto at programa, kinonsidera rin ang paglikha ng apat (4) na organizational units sa ilalim ng Secretariat. Kabilang sa mga unit na ito ang Office of the Executive Director, Student Incentives Support Office, Quality Pre-Service Teacher Education Office, at Quality Teaching Office.
Itinuturing ang paglikha ng mga bagong organizational units at posisyon para sa TEC Secretariat na paraan upang masiguro ang epektibo at maayos na pagganap ng kanilang mga mandato.
Inaprubahan ni Secretary Pangandaman ang kinakailangang Notice of Organization, Staffing and Compensation Action para sa TEC Secretariat noong ika-21 ng Mayo 2024.