DBM PRESS RELEASE
In a groundbreaking move, the Philippine government is taking a bold step towards environmental responsibility.
Executive Director Dennis Santiago of the Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) recently mentioned that the entire government will adopt green procurement practices under the New Government Procurement Act (NGPA). This strategic shift aims to ensure that government purchases are not only economically sound but also environmentally friendly and socially responsible.
“The whole of government will be buying green. The whole of government will be approaching public procurement sustainably,” Santiago said.
Sustainable Public Procurement is the driving force behind this initiative. It encompasses a holistic approach that considers three essential aspects: economic, social, and environmental. Among these, the environmental aspect takes a key role in what is commonly referred to as Green Public Procurement.
“Green public procurement is just part of sustainability. If you talk about sustainability, ang sinasabi ko nga d’yan, tripod daw po ‘yan. Merong economic aspect. Merong social aspect. At merong environmental aspect. So ‘yung environmental aspect, ‘yun po ‘yung green procurement,” Director Santiago said.
During an interview on the program Usapang Budget Natin, Director Santiago emphasized the urgency of this approach. By prioritizing green procurement, the government ensures that future generations will have access to essential supplies while safeguarding our planet.
“Paano ‘yung mga anak mo? Paano ‘yung mga darating na panahon? May mabibili pa nga ba silang kagamitan? May mabibili pa ba silang produkto na maayos? Na makatutugon po sa pangangailangan nila na hindi po nakakasira ng kalikasan,” according to Santiago.
Advocating for green procurement is not just a choice; it’s a necessity. As Santiago succinctly put it, “We have consumed one-and-a-half-earths already. Kulang na po ‘yung resources natin para tugunan ‘yung pangangailangan natin.”
Even DBM Secretary Mina F. Pangandaman is openly promoting green procurement.
"Green procurement is not just a choice; it’s our responsibility. As we navigate the challenges of the present, we must also safeguard the future generation." By prioritizing sustainable practices in public procurement, we ensure that our actions today resonate positively for generations to come. Sang-ayon din po ito sa isinusulong na Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand R. Maros, Jr. na pangangalaga sa ating kalikasan. Kaya naman, let us be stewards of both progress and preservation, championing a greener, more resilient Philippines,” Sec. Pangandaman said.
Government Shifts Procurement Paradigm: New Approach Under Proposed Law
Meanwhile, the Philippine government is redefining its procurement procedures under the proposed NGPA.
Santiago highlighted key changes, emphasizing that public bidding will no longer be the primary method of procurement but merely one of the available procurement modalities.
Santiago illustrated the importance of this by recalling the aftermath of Typhoon Yolanda in 2013. During the emergency situation, the Government Procurement Policy Board (GPPB) recommended emergency procurement due to the disaster’s impact. However, some agencies insisted on sticking to the traditional competitive bidding process even amidst the crisis. Santiago explained their apprehension, fearing potential investigations or other repercussions.
“Kung maaalala niyo po nung Yolanda, I think that was in 2013, emergency na ho ‘yung sitwasyon. Nag-tanong po sa GPPB noon sa amin. Sabi namin, dapat po mag-emergency procurement na ho kayo kasi nasalanta na ho kayo ng bagyo eh. Sabi nila eh ayaw po namin. Sabi nila gusto nilang mag-bidding pa rin. Sa gitna ng sakuna, sa gitna ng mga nasalanta ng bagyo, gusto pa rin mag-bidding ng ahensya. Bakit? Kasi ho natatakot ho kami. Baka ho kami maimbestigahan. So pinasok na po dito sa ating batas, dito po sa ating Proposed Law, ‘yung tinatawag natin na proportionality and fit for purpose concept. Gamitin mo ‘yung naaayon na procurement mode sa kung anong sitwasyon mo,” Santiago said.
To address this, the proposed law introduces the "fit for purpose" and "proportionality" concepts or principles. It encourages agencies to choose the most appropriate procurement mode based on the specific situation, ensuring flexibility and efficiency during emergencies and beyond.
“So pinasok na po dito sa ating panukalang batas, dito po sa ating Proposed Law, ‘yung tinatawag natin na proportionality and fit for purpose concepts. Gamitin mo ‘yung naaayon na procurement mode sa kung anong sitwasyon mo,” according to Santiago.
The NGPA aims to create a procurement landscape that aligns with the country’s evolving needs, promoting resilience and adaptability in the face of challenges.
###
DBM Press Release
Ika-30 ng Abril 2024
Gobyerno ng Pilipinas, buo ang loob sa pagsulong sa Green Procurement: Isang sustainable approach para sa public purchasing
Sa isang makasaysayang hakbang, gumawa ang gobyerno ng Pilipinas ng matapang na hakbang tungo sa responsableng pangangalaga sa kalikasan.
Kamakailan, binanggit ni Executive Director Dennis Santiago ng Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) na pagtitibayin ng buong gobyerno ang green procurement practices sa ilalim ng New Government Procurement Act (NGPA). Layunin ng madiskarteng pagbabagong ito na siguruhin na ang mga pagbili ng gobyerno ay hindi lamang economically sound, kundi environmentally friendly at socially responsible.
“The whole of government will be buying green. The whole of government will be approaching public procurement sustainably,” pahayag ni Santiago.
Ang Sustainable Public Procurement ang nagtutulak sa likod ng inisyatibang ito. Sinasaklaw nito ang isang holistic na diskarte na binibigyang pansin ang tatlong mahahalagang aspeto: pang-ekonomiya, panlipunan, at pangkalikasan. Kabilang sa mga ito, ang aspetong pangkalikasan ay may mahalagang papel sa karaniwang tinatawag na Green Public Procurement.
“Green public procurement is just part of sustainability. If you talk about sustainability, ang sinasabi ko nga d’yan, tripod daw po ‘yan. Merong economic aspect. Merong social aspect. At merong environmental aspect. So ‘yung environmental aspect, ‘yun po ‘yung green procurement,” sinabi ni Director Santiago.
Sa isang panayam sa programa na Usapang Budget Natin, binigyang-diin ni Director Santiago ang kahalagahan ng hakbang na ito. Sa pamamagitan ng pagbibigay-prayoridad sa green procurement, tinitiyak ng gobyerno na ang mga susunod na henerasyon ay magkakaroon ng access sa mga pangunahing kagamitan habang inaalagaan ang ating planeta.
“Paano ‘yung mga anak mo? Paano ‘yung mga darating na panahon? May mabibili pa nga ba silang kagamitan? May mabibili pa ba silang produkto na maayos? Na makatutugon po sa pangangailangan nila na hindi po nakakasira ng kalikasan,” ayon kay Santiago.
Ang pagtataguyod ng green procurement ay hindi lamang choice kundi isang pangangailangan. Gaya ng maikli at malinaw na sinabi ni Santiago, “We have consumed one-and-a-half-earths already. Kulang na po ‘yung resources natin para tugunan ‘yung pangangailangan natin.”
Maging si DBM Secretary Mina F. Pangandaman ay hayagang isinusulong ang green procurement.
"Green procurement is not just a choice; it’s our responsibility. As we navigate the challenges of the present, we must also safeguard the future generation." By prioritizing sustainable practices in public procurement, we ensure that our actions today resonate positively for generations to come. Sang-ayon din po ito sa isinusulong na Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand R. Maros, Jr. na pangangalaga sa ating kalikasan. Kaya naman, let us be stewards of both progress and preservation, championing a greener, more resilient Philippines,” pahayag ni Sec. Pangandaman.
Gobyerno, Babaguhin ang Procurement Paradigm: Bagong Pamamaraan sa Ilalim ng Panukalang Batas
Samantala, muling tinutukoy ng gobyerno ng Pilipinas ang procurement procedures sa ilalilm ng proposed NGPA.
Binigyang-diin ni Director Santiago ang mga pangunahing pagbabago, kung saan ipinaliwanag niya na ang public bidding ay hindi na magiging pangunahing paraan ng pagbili kundi isa lamang sa mga available procurement modalities.
Ipinakita ni Santiago ang kahalagahan nito sa pamamagitan ng pagbalik-tanaw sa resulta ng Bagyong Yolanda noong 2013. Noong panahon ng emergency, nagrekomenda ang Government Procurement Policy Board (GPPB) ng emergency procurement dahil sa pinsalang dulot ng kalamidad. Gayunpaman, ilang ahensya ang nanatiling nakatutok sa tradisyunal na competitive bidding process, kahit pa sa gitna ng krisis. Ipinaliwanag ni Santiago ang kanilang pangamba, sa takot sa potential na imbestigasyon o iba pang mga kahihinatnan.
“Kung maaalala niyo po nung Yolanda, I think that was in 2013, emergency na ho ‘yung sitwasyon. Nag-tanong po sa GPPB noon sa amin. Sabi namin, dapat po mag-emergency procurement na ho kayo kasi nasalanta na ho kayo ng bagyo eh. Sabi nila eh ayaw po namin. Sabi nila gusto nilang mag-bidding pa rin. Sa gitna ng sakuna, sa gitna ng mga nasalanta ng bagyo, gusto pa rin mag-bidding ng ahensya. Bakit? Kasi ho natatakot ho kami. Baka ho kami maimbestigahan. So pinasok na po dito sa ating batas, dito po sa ating Proposed Law, ‘yung tinatawag natin na proportionality and fit for purpose concept. Gamitin mo ‘yung naaayon na procurement mode sa kung anong sitwasyon mo,” pahayag ni Santiago.
Upang tugunan ito, inilalatag ng panukalang batas ang mga konsepto o prinsipyong “fit for purpose” at “proportionality”. Hinihikayat ng mga ito na pumili ang mga ahensya ng pinaka-angkop procurement mode batay sa partikular na sitwasyon, na magtitiyak sa flexibiity at efficiency sa panahon ng mga emergency at higit pa.
“So pinasok na po dito sa ating panukalang batas, dito po sa ating Proposed Law, ‘yung tinatawag natin na proportionality and fit for purpose concepts. Gamitin mo ‘yung naaayon na procurement mode sa kung anong sitwasyon mo,” ayon kay Santiago.
Ang NGPA ay naglalayong lumikha ng isang procurement landscape na nakahanay sa nagbabagong pangangailangan ng bansa, na itinataguyod ang resilience at adaptabiity sa harap ng mga hamon.
###
Telephone: (+632)-8657-3300 local 2522