Accessibility Tools

 

 
DBM PRESS RELEASE
24 January 2024
 
 
Naglabas ang Department of Budget and Management ng kabuuang P47.54 bilyon para sa pagpapatupad ng Protective Services of Individuals and Families in Difficult Circumstances (PSIFDC) program noong 2023.

Sa ilalim ng pamumuno ni DBM Secretary Mina F. Pangandaman, layon ng malaking pondong ito ang magbigay ng mahalagang suporta sa pagpapatupad ng PSIFDC program, na sumasaklaw sa isang hanay ng serbisyo na nakatuon sa pagpapagaan ng mga pasaning kinakaharap ng mga indibidwal at pamilya sa krisis.

In times of crisis, our duty as public servants is to extend a helping hand to those who need it most. Marami po sa ating mga kababayan ang umaasa sa tulong na ibinibigay ng programa kaya sinisiguro po natin na patuloy itong aagapay sa mga kababayan nating nangangailangan,” pahayag ni Secretary Mina.

Kabilang sa PSIFDC ang programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), isa sa mga pangunahing programa para sa kapakanan ng publiko ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na nagbibigay ng tulong medikal, panglibing, pang-edukasyon, transportasyon, pagkain, at pera.

Ang pangunahing layunin ng AICS program ay tulungan ang mga Pilipinong nasa matinding kalagayan dahil sa sakit, pagkawala, o iba pang hamon.

DBM, nangakong ipagpapatuloy ang social assistance funding sa 2024

Samantala, ngayong taon, may kabuuang P34.27 bilyon ang inilaan para sa parehong layunin sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA).

Ang nabanggit na halaga ay naglalayong tulungan ang may 3,876,673 na mga benepisyaryo sa buong bansa.

Ayon sa Budget Secretary, ang pagpapatuloy ng social assistance ay naaayon sa pangarap ng Pangulo ng isang Bagong Pilipinas, kung saan mahusay ang pagtugon ng gobyerno sa mga pangangailangan ng mga mamayan at sa pagtulong sa kanila sa panahon ng krisis nang tuluyang makabangon at  makapagtatag ng mas mabuting buhay.  

As mandated by our President Ferdinand R. Marcos Jr., we will remain committed to uplifting the lives of our kababayans, especially the most vulnerable, through supporting targeted social assistance programs. Sa Bagong Pilipinas, sama-sama po tayo, walang maiiwan. As public servants, we need to be there for the Filipino people, especially at times when they need us the most,” ani Secretary Pangandaman.  

###