DBM PRESS RELEASE
ika-24 ng Nobyembre 2023
Binigyang-diin ni Department of Budget and Management Secretary Mina F. Pangandaman ang kahalagahan ng mga proyekto ng gobyerno sa ilalim ng Philippine Open Government Partnership (PH-OGP) upang maabot ang pangarap na magandang buhay ng bawat Pilipino.
Sa ginanap na Fourth Quarter Steering Committee Meeting noong November 23, 2023 sa Davao City, muling ipinunto ni Secretary Pangandaman ang layunin ng PH-OGP na itatag ang bukas na pamamahala, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na tiyakin ang transparency at full digitalization sa gobyerno upang aktibong makalahok ang mga mamamayan.
“Para sa Bagong Pilipinas at mga Pilipino, let us remember that every commitment, every program, and every action plan that we implement is a make-or-break for our kababayans who are dreaming of better quality and decent lives and aspire for a better Philippines with us,” pahayag ni Secretary Pangandaman na siya ring Chairperson ng PH-OGP Steering Committee.
Sa idinaos na 6th PH-OGP National Action Plan Commitment Review, tinalakay ang iba’t ibang mga programa upang mas ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa publiko.
Kabilang sa mga programa ang Improved Public Access to Quality, Free, or Affordable Legal Services ng Supreme Court at ang Digital Information for Monitoring and Evaluation (DIME) Project ng DBM, gayundin ang Driving Responsive and Innovative Participation of Vulnerable Sectors towards Empowerment in Local Governance ng Department of Interior and Local Government.
Ngayong araw naman gaganapin ang final leg ng pag-iikot ng OGPinas ngayong taon, kung saan magkakaroon din ng One-Stop Shop for Government Services para sa publiko.
###