Accessibility Tools

 

 
DBM PRESS RELEASE
 
MRT1 UNCSW68 (1)
NEW YORK CITY, USA --Bilang head ng Philippine delegation sa 68th annual Commission on the Status of Women (CSW68), idineliver ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman ang Philippine statement para sa unang Ministerial Round Table noong Martes, ika-12 ng Marso 2024 sa United Nations (UN) headquarters sa New York City.

Ang pinakamalaking taunang event sa gender equality at women's empowerment,  
pinagyayaman ng CSW ang mahalagang pag-uusap sa pagitan ng mga gobyerno, civil society organizations, experto, at mga activists sa buong mundo--mga dialogues na nakatuon sa mga kinakailangang aksyon at investments upang puksain ang women's poverty at ipagtanggol ang pantay na karapan ng lahat ng kasarian.

Isa sa mga aktibidad ng CSW ay ang series ng Ministerial Round Tables, bawat isa ay tumatalakay sa ibang paksa ngunit naka-angkla sa priority theme ngayong taon na, "Accelerating the achievement of gender equality and the empowerment of all women and girls by addressing poverty and strengthening institutions and financing with a gender perspective.”

Tinalakay sa unang Ministerial Round Table (MRT) ang mobilisasyon ng financing para sa gender equality at empowerment ng lahat ng kababaihan at mga batang babae, naka-sentro sa mga polisiya, stratehiya upang tuldukan ang kahirapan.

The Philippines remains a committed partner in contributing to poverty eradication, acceleration of gender equality, and empowerment of all women and girls, as reflected in our Philippine Development Plan 2023 to 2028 and Gender Equality and Women’s Empowerment (GEWE) Plan 2019 to 2025,” ani DBM Sec. Pangandaman sa unang MRT.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Sec Pangandaman ang maraming inisyatibo na pinamumunuan ng gobyerno ng Pilipinas upang isulong ang gender mainstreaming. Kasama dito ang 1995 Gender and Development (GAD) budget policy o “The Women’s Budget,” na itinatag para sa implementasyon ng mga proyekto at programa na naka-focus sa GEWE. Sinuportahan ang batas na Magna Carta of Women, at umaayon sa mga guidelines para sa pagdedevelop ng annual GAD plans, mga budget, at accomplishment reports.

Binanggit din ng Budget Secretary na 24 porsiyento ng Philippine National Government budget noong 2022 ay ginamit upang ipatupad ang mga hakbang na gender-responsive na sumasaklaw sa pagpapalakas ng mga kababaihan at pagkakapantay-pantay ng kasarian, pati na rin ang pagsasama ng mga gender-responsive elements sa mga pangunahing programa.

Kabilang sa mga partikular na hakbang na itinampok sa Conference ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), isang conditional cash transfer program na ngayon ay pinakikinabangan ng 4.4 milyong kabahayan, pagsusulong ng access sa edukasyon at serbisyong pangkalusugan, financial inclusion, at empowerment ng kababaihan at mga batang babae.

This [4Ps] has grown from having a budget of only USD 5.37 million in 2008 to USD 1.9 billion this 2024. Graduates of this program also undergo the Kilos-Unlad program to ensure they will not fall into poverty again,” paliwanag ni Sec. Pangandaman.

Isa pang programa na binigyang-diin ay ang Small Enterprise Technology Upgrading Program na sumusuporta sa vision na gender-responsive Micro, Small, and Medium Enterprises (MSME) sector.

With a USD 1.33 million budget in 2023, this [Small Enterprise Technology Upgrading Program] created 3,348 jobs for Filipino women. Relatedly, 68 percent of those who access MSME loans from our Small Business Corporation were women entrepreneurs,” dagdag-paliwanag ng DBM Secretary.

This further supports findings that reveal that women in the Philippines are more financially included in account ownership, savings, and credit indicators than men,” idinagdag ni Sec. Pangandaman.

Binanggit din ang mga scholarship na inaalok sa Pilipinas, mula sa antas na secondary hanggang postgraduate, upang labanan ang gendered na kahirapan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng edukasyong nakabatay sa agham. Ang nasabing grant ay naglalayon na magkaroon ng mas maraming babaeng nagtapos mula sa mga kurso sa agham, teknolohiya, engineering, at mathematics.

Sa kalusugan, sinabi ni Sec. Pangandaman na malaking bahagi ng budget ng Pilipinas ang napupunta sa pagtitiyak ng well-being at nutrisyon ng mga buntis at nagpapasusong kababaihan. Ang pondo ay nakatuon sa paghahatid ng mga socio-economic na serbisyo na naaangkop sa kultura at sensitibo sa mga pagsasaalang-alang ng kasarian, na minonitor sa pamamagitan ng gender budget tagging initiative.

[The Philippine Government] recently signed the 2024 to 2028 United Nations Sustainable Development Cooperation Framework that prioritizes joint initiatives for human capital development, inclusion, and resilience building,” pagtatapos ni Sec. Pangandaman.
 
###
 
 
Telephone: (+632)-8657-3300 local 2522