BABALA ⚠️
Muling pong pinaaalalahan ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri laban sa mga indibidwal/grupo na nagpapakilala o nagpapanggap na sila ay opisyal o kinatawan ng Department of Budget and Management (DBM), o may kaugnayan kay Secretary Amenah Pangandaman, at kaya nilang maimpluwensyahan ang pag-apruba sa mga transaksyon sa DBM.
Huwag po agad maniwala sa ganitong mga salita. Wala pong kakayahan ang mga indibidwal o grupong maimpluwensyahan ang mga transaksyon dahil mahigpit pong pinaiiral ng DBM ang mga proseso alinsunod sa Citizen's Charter nito.
Kung may ganito po kayong karanasan, maaari kayong magsumbong o magtanong sa DBM Community Relations Office sa email na This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa 8657-3300 no. local 2524. Pinapangako po namin na magiging confidential ang inyong pagkakakilanlan.
Muli, ingat po mga Kababayan!
#BagongPilipinas #UsapangBudgetNatin

