Ito po si Department of Budget and Management Acting Secretary Kim Robert De Leon.
Sa paggunita natin ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking, nais kong ipaalala na ang laban kontra ilegal na droga ay responsibilidad ng bawat Pilipino.
Sinisira ng droga ang buhay ng ating mga kababayan, maging ang kanilang mga pangarap, pamilya, at ang kinabukasan ng ating kabataan.
Bilang isang lingkod-bayan at bilang bahagi ng henerasyong inaasahang magpapatuloy sa paghubog ng ating bansa, naniniwala ako na ang tunay na kaunlaran ay nagsisimula sa mga mamamayang malusog, responsable, at may malinaw na direksyon sa buhay.
Kaya naman, katuwang ang Dangerous Drugs Board, inaanyayahan ko kayong makiisa sa pagsusulong ng isang Pilipinas na ligtas, matatag, at malaya sa ipinagbabawal na droga.
Sa DBM, Dito Bawal ang Mapariwara. Dito Bawal Malulong sa droga.
Dahil sa amin sa DBM, pinakamahalaga ang pangangalaga sa Dignidad, Buhay, at Mabuting kinabukasan ng ating mamamayan.
[END]

