Accessibility Tools

 

 
“Empowered Municipalities, Stronger Nation: Local Government Code Reform for a Future-Ready Philippines” 
Marriott Grand Ballroom, Pasay City 
March 10, 2026 

To the Honorable Speaker of the House of Representatives, Congressman Faustino “Bojie” Dy III; to Executive Secretary Ralph Recto; to the esteemed members of the League of Municipalities of the Philippines led by Mayor Faustino “Inno” Dy V; my fellow public servants, private sector partners, distinguished guests, ladies and gentlemen, magandang hapon po sa ating lahat. 

Isang malaking karangalan para sa akin na makasama kayo ngayong araw, lalo na ang ating mga kapwa lingkod-bayan mula sa iba’t ibang munisipalidad sa buong bansa. 

Ang pagtitipong ito ay hindi lamang conference sa tingin ko. Ito ay pagtitipon ng mga lider na araw-araw na nasa pinakaunang linya ng serbisyo publiko. 

Kayo po ang unang tinatakbuhan sa panahon ng bagyo, ng krisis sa kabuhayan, at tuwing may nangangailangan ng tulong. 

Kung ang national government ang nagtatakda ng direksyon, kayo naman ang nagbibigay-buhay sa mga polisiya sa mismong komunidad. 

At ito ang dahilan kung bakit malinaw ang direktiba ni President Ferdinand R. Marcos Jr.: palakasin ang Local Government Units. I-empower ang mga lokal na pamahalaan. Dahil ang tunay na kaunlaran ng bansa ay nagsisimula sa bawat bayan. 

Let me say this clearly: Nation-building does not begin in national offices. Nation-building begins in our municipalities. 

BAWAT BAYAN MAKIKINABANG 

Bilang tugon sa direktiba ng Pangulo, inilunsad natin ang mas pinalakas na 2026 Local Government Support Fund o LGSF. 

Simple, ngunit makapangyarihan ang diwa nito: Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang. 

Hindi ito basta slogan. Ito ay pangako na ang pag-unlad ay mararamdaman hindi lamang sa malalaking lungsod kundi hanggang sa pinakamaliliit na bayan. 

Ngayong 2026, ang LGSF ay may P57.87 bilyong pondo, na higit doble kaysa noong nakaraang taon at pinakamalaki sa kasaysayan ng programa. 

Ibig sabihin, mas maraming proyekto, mas maayos na serbisyo, at mas maraming Pilipino ang direktang makikinabang sa inyong mga komunidad. 

Kapag lumalakas ang mga munisipalidad, lumalakas ang buong bansa. 

WALANG PINIPILING KULAY 

Gusto ko ring maging malinaw: ang LGSF ay walang pinipiling kulay. Hindi ito political program. Hindi ito para sa isang partido. Hindi mahalaga kung anong kulay ang sinuportahan mo noong eleksyon.

Ang mahalaga ay ang pangangailangan ng inyong mamamayan. 

Kapag sinasabi nating Bawat Bayan Makikinabang, iisa ang ibig sabihin: walang pinapaboran at walang iniiwan. 

Dapat hindi sinusundan ng pondo ng bayan ang pulitika, dapat sinusundan nito ang pangangailangan ng tao.  

THE FIVE COMPONENTS OF THE LGSF 

Upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng ating mga LGU, ang LGSF ay may limang pangunahing components. 

Ang una ay ang Financial Assistance to Local Government Units, na may P37.29 billion para sa taong 2026. Ang pondo na ito ay maaaring gamitin sa mahahalagang proyekto sa inyong mga komunidad mula sa agriculture-related programs, farm-to-market roads, public markets, hospitals, water and sanitation systems, evacuation centers, ICT systems, digital infrastructure, suporta sa MSMEs, at tulong para sa mga pamilyang nangangailangan.

Mayroon ding mga bagong eligible programs ngayong taon kabilang ang conversion ng Day Care Centers bilang Child Development Centers, ang paglikha ng plantilla positions para sa child development workers sa fourth at fifth class municipalities, at mga flagship infrastructure projects na may counterpart funding mula sa LGUs. 

Ang layunin nito ay simple at malinaw: palakasin ang kakayahan ng LGUs na direktang tumutugon sa pangangailangan ng kanilang mga komunidad. 

Doon nagiging totoo ang pag-unlad—kapag nararamdaman ito sa barangay, sa munisipalidad, at sa pang araw-araw na buhay ng ating kababayan. 

Ang pangalawa po ay ang Support to the Barangay Development Program of the NTF-ELCAC, na may pondong P8.08 billion para sa 808 cleared barangays. Layunin nitong tiyakin na ang kapayapaan sa mga komunidad ay may kasamang tunay na kaunlaran sa pamamagitan ng farm-to-market roads, school buildings, water systems, health stations, at electrification projects. 

Ang ikatlong component ay ang Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting, na nagbibigay ng pondo sa mga proyektong pinili mismo ng komunidad sa pamamagitan ng participatory governance. Sa ganitong paraan ay mas napapalakas ang citizen participation at mas natitiyak na ang mga proyekto ay tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mga mamamayan.

Ang ikaapat na component ay ang Growth Equity Fund, na may pondong P11.3 billion upang matiyak na ang mga mahihirap at disadvantaged LGUs ay hindi mapag-iiwanan sa panahon ng devolution. 

Samantala, may pondong P15.33 billion para sa Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund or NDRRMF. Ito po ay upang matulungan ang mga LGUs na mabilis na makabangon mula sa mga kalamidad at maibalik ang kabuhayan ng kanilang mga komunidad. 

Let us always remember this: No municipality should be left behind simply because it has fewer resources. 

GOVERNANCE WITH INTEGRITY 

Ngunit kasabay ng pondong ito ay responsibilidad. 

Ang LGSF ay nakaangkla sa mga prinsipyo ng good governance, public financial management, at citizen participation. 

Ibig sabihin, ang bawat proyekto ay dapat transparent. Ang bawat pondo ay dapat maayos na napamamahalaan. At ang bawat programa ay dapat nakabatay sa tunay na pangangailangan ng mamamayan.

The true measure of governance is not how much money we spend, but how much lives we improve. 

TRIBUTE TO THE LEAGUE OF MUNICIPALITIES OF THE PHILIPPINES 

Sa puntong ito, nais kong kilalanin ang napakahalagang papel ng League of Municipalities of the Philippines. 

Ang LMP ay hindi lamang samahan ng mga mayor. Ito ay isang komunidad ng mga lider na nagkakaisa para sa mas maayos at mas mahusay na pamamahala. 

Kayo ang nagbabahagi ng best practices, nagtutulak ng kooperasyon sa pagitan ng mga bayan. Nagpapatunay na kapag nagtutulungan ng mga munisipalidad, mas mabilis umuunlad ang buong bansa.

Sa totoo lang, kung may antas ng pamahalaan na tunay na nakakakita sa realidad ng buhay ng Pilipino araw-araw, kayo iyon. 

Municipal leaders are not just administrators. You are nation-builders on the ground. 

UGNAYANG BAYAN PORTAL 

Upang mas mapabilis at mas mapadali ang proseso ng pagsusumite ng LGSF requests, inilunsad ng DBM ang Ugnayang Bayan Portal. 

Ito ang digital platform kung saan maaaring magsumite ng LGSF requests ang mga LGUs online sa tatlong simpleng hakbang lamang: mag-log in, piliin ang proyekto, at isumite ang request. 

Mas mabilis, mas malinaw, at mas transparent ang proseso. 

Bago ako magtapos, nais ko pong sabihin sa inyo, na sa bawat bayan, may isang Mayor na gumigising nang maaga upang siguraduhin na may tubig ang barangay, may daan ang magsasaka, may gamot ang health center, at may pag-asa ang kabataan. 

Kayo ang mga lider na hindi lamang gumagawa ng polisiya. Kayo ang mga lider na araw-araw na humaharap sa tunay na buhay ng ating mga kababayan. 

At ito ang dahilan kung bakit malinaw ang direktiba ni President Ferdinand R. Marcos Jr. 

Ang pag-unlad ay dapat maramdaman sa bawat komunidad. At ang kapangyarihang maghatid nito ay dapat nasa mga lokal na pamahalaan. 

Kaya ang Local Government Support Fund ay hindi lamang isang programa. 

Ito ay isang malinaw na desisyon ng Pangulo na palakasin ang LGUs, bigyan kayo ng kakayahan, at magtiwala sa inyong pamumuno. 

Dahil kayo ang tunay na nakakaalam kung ano ang kailangan ng inyong mamamayan. 

Ang panawagan po na “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang,” iisa ang mensahe. 

Walang maiiwan. Because when municipalities grow stronger, the nation becomes stronger. And when every community rises, the Philippines rises with it. 

Maraming salamat po. 

Mabuhay ang League of Municipalities of the Philippines. Mabuhay ang ating mga LGU. At mabuhay ang nagkakaisang Bagong Pilipinas. 

 

[END]