Accessibility Tools

 

 

DBM PRESS RELEASE

DBM cites official budget priorities and existing funding mechanisms to sustain ARAL implementation
 
MANILA, Philippines — For a child struggling to read, every opportunity to catch up matters. And for the government, helping that child learn remains an important investment in the country’s future.
 
The Department of Budget and Management (DBM), under the leadership of Acting Secretary Kim Robert C. De Leon, reaffirmed its commitment to supporting learning recovery initiatives, including the Department of Education’s (DepEd) Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program, as deliberations on the proposed Fiscal Year (FY) 2027 National Budget continue.
 
In fact, accelerating the implementation of ARAL was explicitly identified as a government priority months before the proposed 2027 national budget was submitted to Congress.
 
Under National Budget Memorandum (NBM) No. 157, dated March 16, 2026, the DBM identified the strengthening of learning recovery initiatives, including ARAL, among the priorities guiding the preparation of agency budget proposals.
 
The same policy direction was reflected in the FY 2027 Budget Priorities Framework, which specifically calls for accelerating ARAL implementation under Human Capital Development, alongside efforts to expand equitable access to quality education.
 
These directives recognize the importance of helping Filipino learners overcome learning gaps and strengthen the foundational skills they need to progress in school.
 
Consistent with this commitment, DepEd remains the highest-funded department under the proposed FY 2027 National Expenditure Program (NEP), with an allocation of P975.963 billion.
 
Understanding how ARAL is funded
 
The DBM explained that since ARAL implementation began in FY 2025, the program has been supported through allocations under existing DepEd programs, activities, and projects (P/A/Ps), even without a separate budget line item.
 
This funding arrangement continued in FY 2026, when the proposed national budget included P2.26 billion for ARAL learning resources under Textbooks and Other Instructional Materials.
 
Following congressional adjustments and the enactment of the FY 2026 General Appropriations Act (GAA), total appropriations attributable to ARAL reached P8.936 billion, distributed across several existing DepEd programs.
 
For FY 2027, the proposed NEP includes P6.472 billion for textbooks and other instruction materials, which the DBM assessed would continue to accommodate support for ARAL learning resources alongside other instructional requirements. This assessment also took into account the substantial P25.75 billion allocation for the same program under the FY 2026 GAA and its utilization.
 
This means that while ARAL does not have a separate budget line item under the proposed NEP, the program will still receive funding from DepEd’s existing budget allocations for related education programs and activities, provided these funds are used for their intended purposes and in accordance with existing rules.
 
As Secretary De Leon previously emphasized in an episode of A.S.K. — Alamin kay Sec. Kim, understanding government funding requires looking beyond individual budget figures.
 
“Sa budgeting, hindi sapat na tingnan kung alin ang mas malaking numero. Kailangan nating alamin kung ano ang nasa likod ng numero,” De Leon said.
 
The Budget Secretary made the statement in explaining why government budget proposals must be assessed in light of actual funding requirements, utilization performance, and other legally available resources.
 
Ensuring continuity in learning recovery
 
The DBM also considered existing appropriations and their utilization in evaluating additional funding requirements for FY 2027.
 
At the time the proposed national budget was being prepared in May 2026, DepEd had yet to request the release of P6.679 billion in FY 2026 congressional adjustments for ARAL.
 
A significant portion of these funds was subsequently released during the third quarter of 2026, with the corresponding activities expected to extend into FY 2027.
 
This was among the considerations in assessing the program’s funding requirements alongside the need to sustain ongoing education activities.
 
For teachers providing ARAL tutoring services beyond their regular teaching load, authorized compensation may also be charged against available Personnel Services allotments, subject to existing budgeting, accounting, and auditing regulations.
 
Should these allotments prove insufficient, DepEd may request additional funding from the Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF), in accordance with applicable rules.
 
Supporting learners through complementary programs
 
The government’s learning recovery efforts also extend beyond DepEd.
 
Under the proposed FY 2027 national budget, P900 million has been allocated for the Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Tara, Basa! Program, which aims to improve the reading skills of struggling elementary learners while providing temporary employment and financial assistance to economically disadvantaged college students.
 
The DBM emphasized that sustaining learning recovery requires coordinated interventions, effective program implementation, and the responsible utilization of available resources.
 
DepEd may prioritize ARAL requirements within relevant existing appropriations, consistent with their authorized purposes, while the DBM remains committed to working with the education department in assessing program needs and supporting continued implementation.
 
The objective remains to ensure that government resources translate into actual learning opportunities for Filipino children, particularly those who need additional assistance to catch up, regain confidence, and move forward in their education.
 
[END]
 
FILIPINO VERSION
 
DBM PRESS RELEASE
Ika-17 ng Oktubre 2026
 
 
LEARNING RECOVERY, MANANATILING PRAYORIDAD SA 2027 NATIONAL BUDGET
 
DBM: May nakalaang pondo para maipagpatuloy ang ARAL Program sa ilalim ng mga umiiral na programa ng DepEd
 
MANILA, Philippines — Para sa batang nahihirapang bumasa, mahalaga ang bawat pagkakataong makahabol sa pag-aaral. At para sa pamahalaan, ang pagtulong sa mga batang ito na matuto ay isang mahalagang pamumuhunan sa kinabukasan ng bansa.
 
Muling tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM), sa pamumuno ni Acting Secretary Kim Robert C. De Leon, ang suporta nito sa mga programang naglalayong makahabol sa pag-aaral ang mga batang nahihirapan, kabilang ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program ng Department of Education (DepEd), sa gitna ng nagpapatuloy na mga talakayan tungkol sa panukalang pambansang badyet para sa Fiscal Year (FY) 2027.
 
Sa katunayan, ilang buwan bago pa isumite sa Kongreso ang panukalang 2027 national budget, malinaw nang itinakda ng pamahalaan bilang prayoridad ang pagpapabilis ng pagpapatupad ng ARAL.
 
Sa ilalim ng National Budget Memorandum (NBM) No. 157 na may petsang March 16, 2026, kabilang sa mga prayoridad na gabay sa paghahanda ng mga panukalang budget ng mga ahensya ang pagpapalakas ng mga programang tutulong sa mga mag-aaral na makahabol sa kanilang pag-aaral, kabilang ang ARAL.
 
Maging sa FY 2027 Budget Priorities Framework, binigyang-diin ang pagpapabilis ng pagpapatupad ng ARAL sa ilalim ng Human Capital Development, kasabay ng pagpapalawak ng patas na access sa de-kalidad na edukasyon.
 
Ipinapakita ng mga patakarang ito ang kahalagahan ng pagtulong sa mga mag-aaral na Pilipino na makahabol sa mga araling hindi nila lubos na natutuhan at malinang ang mga pangunahing kasanayang kailangan nila upang magpatuloy at magtagumpay sa paaralan.
 
Bilang pagpapakita ng patuloy na suporta sa edukasyon, ang DepEd pa rin ang may pinakamalaking pondo sa ilalim ng panukalang FY 2027 National Expenditure Program (NEP), na nagkakahalaga ng P975.963 billion.
 
Pag-unawa sa pondo para sa ARAL
 
Ipinaliwanag ng DBM na mula nang simulan ang ARAL sa FY 2025, sinusuportahan na ang pagpapatupad nito sa pamamagitan ng mga pondong nakapaloob sa mga umiiral na programa, gawain, at proyekto (P/A/Ps) ng DepEd, kahit wala itong hiwalay na budget line item.
 
Nagpatuloy ang ganitong sistema ng pagpopondo noong FY 2026. Sa panukalang pambansang budget para sa taong iyon, naglaan ng P2.26 billion para sa learning resources ng ARAL sa ilalim ng Textbooks and Other Instructional Materials.
 
Matapos ang mga pagbabago sa budget na ginawa ng Kongreso at ang pagpapatibay sa FY 2026 General Appropriations Act (GAA), umabot sa kabuuang P8.936 billion ang mga pondong inilaan para sa ARAL sa iba't ibang umiiral na programa ng DepEd.
 
Para naman sa FY 2027, naglaan ang panukalang NEP ng P6.472 billion para sa textbooks and other instructional materials. Batay sa pagsusuri ng DBM, maaari pa ring pondohan mula rito ang learning resources ng ARAL, kasabay ng iba pang pangangailangan sa pagtuturo. Isinaalang-alang din sa pagsusuring ito ang malaking pondong P25.75 billion na inilaan para sa kaparehong programa sa ilalim ng FY 2026 GAA, pati ang aktuwal na paggamit nito.
 
Ibig sabihin, kahit walang hiwalay na budget line item para sa ARAL sa panukalang NEP, maaari pa ring pondohan ang programa mula sa mga umiiral na alokasyon ng DepEd para sa mga kaugnay na programa at gawaing pang-edukasyon, basta't gagamitin ang mga ito para sa layuning pinaglaanan at susundin ang mga umiiral na patakaran.
 
Gaya ng nauna nang binigyang-diin ni Secretary De Leon sa isang episode ng A.S.K. — Alamin kay Sec. Kim, kailangang tingnan ang mas malawak na konteksto sa likod ng mga numero upang maunawaan kung paano pinopondohan ang mga programa ng pamahalaan.
 
“Sa budgeting, hindi sapat na tingnan kung alin ang mas malaking numero. Kailangan nating alamin kung ano ang nasa likod ng numero,” ayon kay De Leon.
 
Ipinaliwanag ng Kalihim na kailangang suriin ang mga panukalang budget ng pamahalaan batay sa aktuwal na pangangailangan sa pondo, antas ng paggamit sa mga naunang alokasyon, at iba pang mapagkukunang pinahihintulutan ng batas.
 
Pagtiyak ng tuloy-tuloy na learning recovery
 
Isinaalang-alang din ng DBM ang mga pondong naaprubahan na at kung paano ginamit ang mga ito sa pagsusuri ng karagdagang pangangailangan sa budget para sa FY 2027.
 
Noong Mayo 2026, habang inihahanda ang panukalang pambansang budget, hindi pa hinihiling ng DepEd ang pagpapalabas ng P6.679 billion na inilaan para sa ARAL bilang bahagi ng mga pagbabagong ginawa ng Kongreso sa FY 2026 budget.
 
Malaking bahagi ng pondong ito ang inilabas kalaunan noong ikatlong quarter ng 2026, at inaasahang magpapatuloy hanggang FY 2027 ang mga kaugnay na gawain.
 
Isa ito sa mga isinaalang-alang sa pagtukoy sa pangangailangan sa pondo ng programa, kasabay ng pangangailangang ipagpatuloy ang mga kasalukuyang gawaing pang-edukasyon.
 
Para naman sa mga gurong nagbibigay ng tutoring services sa ilalim ng ARAL bukod sa kanilang regular na teaching load, maaari ring gamitin ang available na Personnel Services allotments para sa awtorisadong bayad sa kanila, alinsunod sa mga umiiral na tuntunin sa budgeting, accounting, at auditing.
 
Kung hindi sapat ang mga pondong ito, maaaring humiling ang DepEd ng karagdagang pondo mula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF), alinsunod sa mga naaangkop na patakaran.
 
Pagsuporta sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng iba pang programa
 
Hindi lamang sa DepEd nakasentro ang mga pagsisikap ng pamahalaan upang matulungan ang mga batang makahabol sa kanilang pag-aaral.
 
Sa ilalim ng panukalang FY 2027 national budget, naglaan ng P900 million para sa Tara, Basa! Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Layunin ng programa na mapahusay ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa elementaryang nahihirapang bumasa, habang nagbibigay rin ng pansamantalang trabaho at tulong pinansyal sa mga estudyante sa kolehiyo na kapos sa buhay.
 
Binigyang-diin ng DBM na upang matiyak ang tuloy-tuloy na pag-unlad sa pagkatuto ng mga bata, kailangan ang magkakaugnay na programa, maayos na pagpapatupad, at responsableng paggamit ng mga pondong magagamit.
 
Maaaring unahin ng DepEd ang mga pangangailangan ng ARAL gamit ang mga kaugnay na umiiral na alokasyon, basta't naaayon ang paggamit ng mga ito sa mga layuning pinaglaanan. Samantala, nananatiling handa ang DBM na makipagtulungan sa kagawaran upang suriin ang mga pangangailangan ng programa at suportahan ang patuloy na pagpapatupad nito.
 
Sa huli, ang layunin ay matiyak na ang pondo ng bayan ay nagiging tunay na pagkakataon para matuto ang mga batang Pilipino—lalo na ang mga nangangailangan ng dagdag na gabay upang makahabol sa kanilang mga aralin, manumbalik ang tiwala sa sarili, at maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
 
 
[END]