Accessibility Tools

 

 

DBM PRESS RELEASE

Budget Chief explains how P1.320-trillion proposed 2027 National Tax Allotment is distributed, urges public to look beyond allocations and examine services delivered
 
 
MANILA, Philippines — Why does one city receive a bigger share of national taxes than another? Does a larger allocation mean a local government unit (LGU) has stronger political connections or enjoys preferential treatment from the national government?
 
Department of Budget and Management (DBM) Secretary Kim Robert C. De Leon has a straightforward answer: The distribution of the National Tax Allotment (NTA) follows a formula prescribed by law, not political favoritism.
 
In the latest episode of A.S.K. — Alamin Kay Sec. Kim, the Budget Chief explained why provinces, cities, municipalities, and barangays receive different amounts from the national government, emphasizing that the allocations are determined by established criteria rather than personal or political considerations.
 
“May formula. May batayan. At nakasaad ito sa batas,” Secretary Kim stressed.
 
The clarification comes as the proposed Fiscal Year (FY) 2027 National Budget provides P1.320 trillion in NTA for LGUs, an increase of P129.3 billion from the P1.191 trillion allocation in FY 2026.
 
WHY DO SOME LGUs RECEIVE MORE THAN OTHERS?
 
According to Secretary Kim, the NTA represents the portion of national taxes automatically allocated to LGUs in accordance with the law.
 
These resources help local governments perform responsibilities that directly affect their constituents, including local health services, infrastructure, environmental management, and disaster preparedness and response.
 
However, the Budget Chief explained that distributing the funds equally among all LGUs would disregard important differences in the populations and geographic areas they serve.
 
For instance, a highly populated city may have more residents requiring public health and social services, while a geographically larger municipality may need to serve communities spread across a wider area.
 
Under the prescribed formula, three factors are considered in distributing the NTA among LGUs within the applicable categories: population, land area, and equal sharing.
 
“Sa madaling salita, kung mas maraming tao, mas maraming mamamayang kailangang pagsilbihan. Kung mas malawak ang lugar, mas malawak din ang kailangang abutin ng serbisyo. At mayroon ding bahagi na pantay na hinahati upang magkaroon ng share ang bawat LGU,” he explained.
 
Secretary Kim also clarified that provinces, cities, municipalities, and barangays have their respective shares in the overall NTA allocation.
 
“Kaya hindi ito, ‘Okay, may pera tayo. Hatiin na lang natin nang pantay-pantay.’ At lalong hindi ito, ‘Kung sino ang paborito, siya ang mas malaki,’” he said.
 
P1.320 TRILLION FOR LGUs: WHAT DOES IT MEAN FOR ORDINARY FILIPINOS?
 
Beyond explaining the distribution formula, Secretary Kim emphasized that the more important issue is how these substantial public resources can help improve the everyday lives of Filipinos.
 
A larger NTA allocation means additional resources available to local governments collectively, but the actual benefits to communities depend on how effectively these resources are planned, allocated, and utilized.
 
The Budget Chief pointed to familiar concerns that Filipinos encounter in their communities: a health center that needs to remain operational, a damaged local road awaiting repairs, regular garbage collection, and emergency responders who must be ready when disasters strike.
 
“Kapag may problema sa barangay road ninyo, hindi naman DBM ang pupunta roon para mag-aspalto,” Sec. Kim remarked.
 
He explained that while the national government provides a share of national tax collections, many of the services closest to the people are delivered by local governments themselves.
 
“Maraming serbisyong pinakamalapit sa tao ay LGU ang naghahatid,” he said.
 
The NTA therefore provides an important source of funding that LGUs can consider when preparing their annual budgets and determining how to meet their respective responsibilities.
 
Secretary Kim stressed that the amount allocated to an LGU should not be confused with the actual quality or extent of services delivered.
 
An allocation establishes available resources. Translating those resources into functioning facilities, responsive programs, and reliable public services remains a responsibility of local governance.
 
FROM NATIONAL TAXES TO LOCAL SERVICES: WHERE DOES THE MONEY GO?
 
To help Filipinos better understand the resources available to their local governments, Secretary Kim encouraged the public to access DBM COMPASS, where they can check the NTA allocations of their respective provinces, cities, or municipalities.
 
The initiative forms part of the DBM’s efforts to make budget information more accessible and understandable to ordinary citizens.
 
The Budget Chief underscored the importance of public awareness, particularly because the resources distributed to LGUs ultimately come from national tax collections.
 
Understanding how much an LGU is entitled to receive is an important starting point for citizens who want to follow local budget decisions and ask how public resources are being used.
 
More importantly, the Budget Secretary reminded the public that the success of government spending must ultimately be measured by the services people experience.
 
“Sa huli, hindi naman tinatanong ng isang Pilipino kung national government ba o local government ang pinanggalingan ng serbisyo,” he said.
 
“May health center ba kapag kailangan niya? May maayos bang kalsada? May responder ba kapag may sakuna? At may gobyerno bang maaasahan niya kapag kailangan niya ng tulong?”
 
For the DBM Chief, these are the questions that should matter most when discussing the national budget and the resources made available to local governments.
 
“Doon nagiging totoong mahalaga ang budget. Kapag ang pondong nasa papel ay nagiging serbisyong nararamdaman ng tao—national man o local,” he concluded.
 
A.S.K. - Alamin Kay Sec. Kim is a DBM information series that explains key national budget concepts and issues in a simple, clear, and relatable way for every Filipino.
 
Watch Episode 14, "National Tax Allotment (NTA)," here:
 
 
 
 
[END]
 
FILIPINO VERSION
 
DBM PRESS RELEASE
Ika-16 ng Oktubre 2026
 
 
SEC. KIM: MAS MALAKING NTA PARA SA ILANG LGU, NAKABATAY SA FORMULA NA ITINAKDA NG BATAS, HINDI SA FAVORITISM
 
Budget Chief, ipinaliwanag ang pamamahagi ng panukalang P1.320-trilyong NTA para sa 2027; hinikayat ang publiko na suriin ang mga serbisyong naihahatid, hindi lang ang pondong inilalaan
 
Bakit mas malaki ang bahagi ng pambansang buwis na natatanggap ng isang lungsod kumpara sa iba? Kapag mas malaking alokasyon, ibig sabihin ba mas malakas ang political connection o mas pinapaboran ang local government unit (LGU) ng national government?
 
Diretso ang sagot si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Kim Robert C. De Leon: Sumusunod sa formula na itinakda ng batas ang pamamahagi ng National Tax Allotment (NTA), hindi sa political favoritism.
 
Sa pinakabagong episode ng A.S.K. — Alamin Kay Sec. Kim, ipinaliwanag ng Budget Chief kung bakit magkakaiba ang halagang natatanggap ng mga lalawigan, lungsod, munisipalidad, at barangay mula sa national government. Binigyang-diin niya na nakabatay ang mga alokasyon sa mga itinakdang pamantayan, at hindi sa personal o political considerations.
 
“May formula. May batayan. At nakasaad ito sa batas,” diin ni Secretary Kim.
 
Ang paglilinaw ay sa gitna ng paghahanda sa panukalang National Budget para sa Fiscal Year (FY) 2027, na naglalaan ng P1.320 trilyon para sa NTA ng mga LGU. Mas mataas ito ng P129.3 bilyon kumpara sa P1.191 trilyong alokasyon noong FY 2026.
 
BAKIT MAS MALAKI ANG NATATANGGAP NG ILANG LGU KUMPARA SA IBA?
 
Ayon kay Secretary Kim, ang NTA ay bahagi ng mga pambansang buwis na awtomatikong inilalaan sa mga LGU alinsunod sa batas.
 
Tumutulong ang pondong ito sa mga lokal na gobyerno upang magampanan ang mga responsibilidad na direktang nakaaapekto sa kanilang mga nasasakupan, kabilang ang mga serbisyong pangkalusugan, imprastraktura, pangangalaga sa kapaligiran, at kahandaan at pagtugon sa sakuna.
 
Gayunman, ipinaliwanag ng Budget Chief na kung pantay ang hatian ng pondo sa lahat ng LGU, hindi maikokonsidera ang mahahalagang pagkakaiba sa populasyon at lawak ng mga lugar na kanilang pinaglilingkuran.
 
Sa ilalim ng itinakdang formula, tatlong salik ang isinasaalang-alang sa pamamahagi ng NTA sa mga LGU sa loob ng kani-kanilang kategorya: populasyon, land area, at pantay na paghahati.
 
“Sa madaling salita, kung mas maraming tao, mas maraming mamamayang kailangang pagsilbihan. Kung mas malawak ang lugar, mas malawak din ang kailangang abutin ng serbisyo. At mayroon ding bahagi na pantay na hinahati upang magkaroon ng share ang bawat LGU,” paliwanag niya.
 
Nilinaw rin ni Secretary Kim na may kani-kaniyang bahagi ang mga lalawigan, lungsod, munisipalidad, at barangay sa kabuuang alokasyon ng NTA.
 
“Kaya hindi ito, ‘Okay, may pera tayo. Hatiin na lang natin nang pantay-pantay.’ At lalong hindi ito, ‘Kung sino ang paborito, siya ang mas malaki,’” aniya.
 
P1.320 TRILYON PARA SA LGUs: ANO ANG IBIG SABIHIN NITO PARA SA MGA ORDINARYONG PILIPINO?
 
Bukod sa pagpapaliwanag sa formula ng pamamahagi, binigyang-diin ni Secretary Kim na higit na mahalagang pagtuunan kung paano makatutulong ang malaking pondong ito sa pagpapabuti ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
 
Ang mas malaking alokasyon ng NTA ay nangangahulugan ng karagdagang pondong magagamit ang mga LGU sa kabuuan, pero ang aktwal na benepisyo sa mga komunidad ay nakasalalay sa kung gaano ka-epektibong pinlano, inilaan, at ginamit ang mga pondong ito.
 
Ipinunto rin ng Budget Chief ang mga karaniwang suliraning nararanasan ng mga Pilipino sa kanilang mga komunidad: isang health center na kailangang manatiling operational, isang sirang lokal na kalsadang naghihintay ng pagkukumpuni, regular na pangongolekta ng basura, at mga emergency responder na kailangang handa kapag may sakuna.
 
“Kapag may problema sa barangay road ninyo, hindi naman DBM ang pupunta roon para mag-aspalto,” pahayag ni Sec. Kim.
 
Ipinaliwanag niya na bagama't nagbibigay ang national government ng bahagi mula sa nakokolektang pambansang buwis, ang mga lokal na pamahalaan mismo ang naghahatid ng marami sa mga serbisyong pinakamalapit sa mamamayan.
 
“Maraming serbisyong pinakamalapit sa tao ay LGU ang naghahatid,” aniya.
 
Samakatuwid, mahalagang mapagkukunan ng pondo ang NTA na maaaring isaalang-alang ng mga LGU sa paghahanda ng kanilang taunang budget at pagtukoy kung paano tutugunan ang kani-kanilang mga responsibilidad.
 
Binigyang-diin ni Secretary Kim na hindi dapat magdulot ng kalituhan ang halagang inilaan sa isang LGU sa aktuwal na kalidad o lawak ng mga serbisyong naihahatid nito.
 
Itinatakda ng alokasyon ang pondong magagamit. Nananatiling responsibilidad ng lokal na pamahalaan na maisalin ang mga pondong ito sa mga pasilidad na gumagana, mga programang tumutugon sa pangangailangan, at maaasahang serbisyong pampubliko.
 
MULA SA PAMBANSANG BUWIS TUNGO SA MGA LOKAL NA SERBISYO: SAAN NAPUPUNTA ANG PONDO?
 
Upang higit na maunawaan ng mga Pilipino ang pondong magagamit ng kanilang mga lokal na pamahalaan, hinikayat ni Secretary Kim ang publiko na bisitahin ang DBM COMPASS, kung saan maaaring tingnan ang mga alokasyon ng NTA para sa kani-kanilang lalawigan, lungsod, o munisipalidad.
 
Bahagi ang inisyatibang ito ng pagsisikap ng DBM na gawing mas madaling ma-access at maunawaan ng mga ordinaryong mamamayan ang impormasyon tungkol sa budget.
 
Binigyang-diin ng Budget Chief ang kahalagahan ng kaalaman ng publiko, lalo na't nagmumula sa nakokolektang pambansang buwis ang mga pondong ipinamahagi sa mga LGU.
 
Higit sa lahat, pinaalalahanan ng Budget Secretary ang publiko na ang tagumpay ng paggasta ng pamahalaan ay dapat sukatin sa mga serbisyong aktuwal na nararanasan ng mga mamamayan.
 
“Sa huli, hindi naman tinatanong ng isang Pilipino kung national government ba o local government ang pinanggalingan ng serbisyo,” aniya.
 
“May health center ba kapag kailangan niya? May maayos bang kalsada? May responder ba kapag may sakuna? At may gobyerno bang maaasahan niya kapag kailangan niya ng tulong?”
 
Para sa DBM Chief, ito ang mga tanong na dapat higit na pagtuunan ng pansin sa pagtalakay sa pambansang budget at sa mga pondong inilaan para sa mga lokal na pamahalaan.
 
“Doon nagiging totoong mahalaga ang budget. Kapag ang pondong nasa papel ay nagiging serbisyong nararamdaman ng tao—national man o local,” pagtatapos niya.
 
Ang A.S.K. — Alamin Kay Sec. Kim ay information series ng DBM na nagpapaliwanag ng mahahalagang konsepto at usapin tungkol sa pambansang budget sa simple, malinaw, at madaling maunawaang paraan para sa bawat Pilipino.
 
Panoorin dito ang Episode 14, “National Tax Allotment (NTA)”:
 
 
[END]