Accessibility Tools

 

 

DBM Press Release

DBM chief: ‘Long-term ang kontrata, pero hindi long-term blank check’; multi-year contracting can help ensure continuous services while preserving annual accountability
 
Why should a Filipino who took a day off from work, traveled to a government office, completed all requirements, and waited in line still go home without a driver’s license or passport simply because the government ran out of plastic cards or booklets?
 
For Department of Budget and Management (DBM) Secretary Kim Robert C. De Leon, recurring government needs should not become recurring government problems.
 
“Eh alam naman nating kailangan iyan taon-taon. Bakit tayo nauubusan?” Secretary De Leon asked in Episode 11 of A.S.K. — Alamin kay Sec. Kim, as he explained how smarter long-term planning and multi-year contracting can help government prevent avoidable supply gaps and service disruptions.
 
The Budget Secretary stressed that many government requirements do not suddenly disappear when the calendar reaches December 31. License cards needed this year will still be needed next year. The same is true for passport booklets and other regular and recurring requirements.
 
“Kung pangmatagalan ang pangangailangan, dapat marunong din tayong magplano nang pangmatagalan,” Secretary Kim De Leon said.
 
He noted that when government fails to anticipate these recurring requirements, the consequences are ultimately felt not by government offices, but by ordinary Filipinos.
 
“Kapag nagkaroon ng gap, hindi lang naman government office ang naaabala. Nandiyan ang ating kapwa Pilipinong naghihintay ng lisensya. May pamilyang naghihintay ng passport para maka-biyahe. May oras at pagkakataong puwedeng masayang. At iyan ang gusto nating maiwasan,” he stressed.
 
Secretary Kim explained that this is where multi-year contracting may be useful. For locally funded multi-year projects or requirements covered by DBM guidelines, a Multi-Year Contractual Authority (MYCA) allows a government agency to enter into a contract extending beyond one year when such an arrangement is appropriate for the requirement.
 
When properly applied, a multi-year arrangement can promote continuity by helping agencies plan the supply of essential goods or services across succeeding years; improve planning by allowing them to anticipate their total requirements and corresponding funding needs earlier; and increase efficiency by aligning procurement and delivery arrangements with the actual long-term nature of government requirements.
 
It may also offer potential savings under applicable DBM guidelines. However, Sec Kim emphasized that a longer contract does not automatically mean a cheaper contract.
 
“Hindi porke mas mahaba ang kontrata, automatic nang mas mura,” he said, explaining that market conditions and actual costs are still reviewed annually and, when warranted under applicable rules, contract prices may be renegotiated.
 
“So hindi ito tungkol sa paggawa lang ng mas mahabang kontrata. Ang tanong lagi: Ito ba ang pinakaangkop na arrangement, at mas magiging sulit ba ang pera ng taumbayan?” he added.
 
Secretary De Leon likewise drew a clear line between long-term planning and long-term spending authority, stressing that entering into a multi-year contractual commitment does not mean that government already has—or can immediately spend—the entire amount covering all years of the contract.
 
“Long-term ang kontrata. Pero hindi long-term blank check. May budget discipline pa rin every year. May rules pa rin. At may accountability pa rin sa bawat piso,” he stressed.
 
He summed up the distinction simply: “Ang multi-year contract ay para sa continuity. Ang annual budget process ay para sa accountability.”
 
The Budget Secretary also clarified that not every recurring government requirement should automatically be placed under a multi-year contract. The appropriate arrangement must still depend on the nature of the requirement, applicable procurement rules, and what would deliver the best value for the Filipino people.
 
Under the New Government Procurement Act, qualified regular and recurring services may also be renewed subject to applicable conditions and safeguards.
 
For Secretary De Leon, therefore, the real question is not simply whether government should procure annually or through a multi-year arrangement.
 
“Ang dapat nating itanong: ‘Ano ang pinakamagandang paraan para tuloy-tuloy ang serbisyo, sapat ang supply, at sulit ang pera ng bayan?’” he said.
 
He then brought the discussion back to the Filipino standing in line for a license or passport—someone who should not have to understand procurement rules, budget terminology, or MYCAs just to receive a basic government service.
 
“Hindi naman niya iniisip kung annual procurement ba iyon. Hindi niya iniisip kung may MYCA ba o wala. Ang gusto lang niya: kapag kailangan niya ang gobyerno, handa ang gobyerno. May supply. May serbisyo. Hindi sayang ang oras niya,” Secretary De Leon said.
 
Ultimately, he stressed that better long-term planning is not about making government contracts more convenient for government itself, but about making public services more reliable for the people they are supposed to serve.
 
“Hindi lang para mas maayos ang kontrata ng gobyerno—kundi para mas maayos ang serbisyong natatanggap ng Pilipino. Dahil sa likod ng bawat kontrata at bawat pisong ginagastos natin, may serbisyong kailangang maihatid at may mamamayang hindi dapat paghintayin,” the Budget Secretary concluded.
 
A.S.K. — Alamin kay Sec. Kim is DBM’s public information series that breaks down the national budget, its processes, and commonly misunderstood concepts into simple and relatable discussions—because the budget should not be confusing; it should be understood by every Filipino.
 
Watch A.S.K. Episode 11 — Importance of Multi-Year Contracts for Recurring Expenses here:
 
 
 
[END]
 
 
DBM PRESS RELEASE
ika-24 Setyember 2026
 
NEWS MATERIAL
Department of Budget and Management
ika-24 Setyembre 2026
 
‘ALAM NATING KAILANGAN TAON-TAON, BAKIT TAYO NAUUBUSAN?’ Sec. Kim isinusulong ang mas matalino at pangmatagalang pagpaplano upang maiwasan ang kakulangan sa suplay ng pamahalaan
 
DBM chief: ‘Long-term ang kontrata, pero hindi long-term blank check’; makatutulong ang multi-year contracting upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo habang napapanatili ang taunang pananagutan
 
Bakit kailangang umuwi pa rin nang walang driver’s license o passport ang isang Pilipinong nag-leave sa trabaho, bumiyahe patungo sa tanggapan ng pamahalaan, kumpletong nagsumite ng lahat ng kinakailangang dokumento, at pumila nang matagal dahil lamang naubusan ng plastic cards o booklet ang pamahalaan?
 
Para kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Kim Robert C. De Leon, hindi dapat maging paulit-ulit na problema ng pamahalaan ang mga pangangailangang paulit-ulit ding dumarating.
 
“Eh alam naman nating kailangan iyan taon-taon. Bakit tayo nauubusan?” tanong ni Secretary De Leon sa Episode 11 ng A.S.K. — Alamin kay Sec. Kim, kung saan ipinaliwanag niya kung paano makatutulong ang mas matalino at pangmatagalang pagpaplano at multi-year contracting upang maiwasan ng pamahalaan ang mga kakulangan sa suplay at pagkaantala sa serbisyo na maaari namang maiwasan.
 
Binigyang-diin ng Budget Secretary na maraming pangangailangan ng pamahalaan ang hindi basta nawawala pagdating ng December 31. Ang mga license card na kailangan ngayong taon ay kakailanganin pa rin sa susunod na taon. Gayundin ang mga passport booklet at iba pang regular at paulit-ulit na pangangailangan.
 
“Kung pangmatagalan ang pangangailangan, dapat marunong din tayong magplano nang pangmatagalan,” Secretary Kim De Leon said.
 
Ayon sa kanya, kapag hindi napaghandaan ng pamahalaan ang mga paulit-ulit na pangangailangang ito, hindi mga tanggapan ng pamahalaan kundi ang mga ordinaryong Pilipino ang nakararanas ng mga epekto nito.
 
“Kapag nagkaroon ng gap, hindi lang naman government office ang naaabala. Nandiyan ang ating kapwa Pilipinong naghihintay ng lisensya. May pamilyang naghihintay ng passport para maka-biyahe. May oras at pagkakataong puwedeng masayang. At iyan ang gusto nating maiwasan,” pagbibigay-diin n’ya.
 
Ipinaliwanag ni Secretary Kim na dito maaaring maging kapaki-pakinabang ang multi-year contracting. Para sa mga multi-year project o pangangailangang pinopondohan mula sa lokal na pondo at saklaw ng mga alituntunin ng DBM, pinahihintulutan ng Multi-Year Contractual Authority (MYCA) ang isang ahensya ng pamahalaan na pumasok sa isang kontratang lalampas sa isang taon kung ito ay angkop sa naturang pangangailangan.
 
Kapag maayos na naipatupad, makatutulong ang multi-year arrangement upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga ahensya na planuhin ang suplay ng mahahalagang produkto o serbisyo para sa mga susunod na taon; mapahusay ang pagpaplano dahil mas maagang matutukoy ang kabuuang pangangailangan at kaukulang pondo; at mapataas ang kahusayan sa pamamagitan ng pag-aangkop ng mga kasunduan sa procurement at delivery sa aktuwal na pangmatagalang pangangailangan ng pamahalaan.
 
Maaari rin itong magbigay ng potensyal na pagtitipid o savings alinsunod sa mga umiiral na alituntunin ng DBM. Gayunman, binigyang-diin ni Sec. Kim na hindi nangangahulugang mas mura agad ang isang kontrata dahil lamang mas mahaba ito.
 
“Hindi porke mas mahaba ang kontrata, automatic nang mas mura,” aniya, at ipinaliwanag na patuloy na sinusuri taon-taon ang kondisyon ng merkado at aktuwal na mga gastusin at, kung kinakailangan at naaayon sa mga umiiral na alituntunin, maaaring muling pag-usapan ang mga presyo sa kontrata.
 
“So hindi ito tungkol sa paggawa lang ng mas mahabang kontrata. Ang tanong lagi: Ito ba ang pinakaangkop na arrangement, at mas magiging sulit ba ang pera ng taumbayan?” dagdag n’ya.
 
Nilinaw rin ni Secretary De Leon ang malinaw na pagkakaiba ng pangmatagalang pagpaplano at pangmatagalang awtoridad sa paggastos, at binigyang-diin na ang pagpasok sa isang multi-year contractual commitment ay hindi nangangahulugang mayroon na—o maaari nang agad gastusin— ng pamahalaan ang buong halagang sasaklaw sa lahat ng taon ng kontrata.
 
“Long-term ang kontrata. Pero hindi long-term blank check. May budget discipline pa rin every year. May rules pa rin. At may accountability pa rin sa bawat piso,” he stressed.
 
Simple niyang binuod ang pagkakaibang ito: “Ang multi-year contract ay para sa continuity. Ang annual budget process ay para sa accountability.”
 
Ipinaliwanag din ng Budget Secretary na hindi lahat ng paulit-ulit na pangangailangan ng pamahalaan ay dapat awtomatikong ilagay sa ilalim ng multi-year contract. Dapat pa ring nakabatay ang angkop na arrangement sa uri ng pangangailangan, mga umiiral na procurement rules, at kung alin ang makapagbibigay ng pinakamainam na halaga para sa mga Pilipino.
 
Sa ilalim ng New Government Procurement Act, maaari ring i-renew ang mga kwalipikadong regular at paulit-ulit na serbisyo, alinsunod sa mga naaangkop na kondisyon at safeguards.
 
Para kay Secretary De Leon, kung gayon, ang tunay na tanong ay hindi lamang kung dapat bang taun-taon ang procurement ng pamahalaan o gumamit ng multi-year arrangement.
 
“Ang dapat nating itanong: ‘Ano ang pinakamagandang paraan para tuloy-tuloy ang serbisyo, sapat ang supply, at sulit ang pera ng bayan?’” saad niya.
 
Muli niyang ibinalik ang usapin sa Pilipinong nakapila para sa license o passport—isang taong hindi naman kailangang maintindihan ang procurement rules, mga terminong may kinalaman sa budget, o mga MYCA para lamang makakuha ng pangunahing serbisyo ng pamahalaan.
 
“Hindi naman niya iniisip kung annual procurement ba iyon. Hindi niya iniisip kung may MYCA ba o wala. Ang gusto lang niya: kapag kailangan niya ang gobyerno, handa ang gobyerno. May supply. May serbisyo. Hindi sayang ang oras niya,” Secretary De Leon said.
 
Sa huli, binigyang-diin niya na ang mas mahusay na pangmatagalang pagpaplano ay hindi lamang para gawing mas maginhawa para sa pamahalaan ang mga kontrata nito, kundi para maging mas maaasahan ang mga serbisyong pampubliko para sa mga taong dapat nitong paglingkuran.
 
“Hindi lang para mas maayos ang kontrata ng gobyerno—kundi para mas maayos ang serbisyong natatanggap ng Pilipino. Dahil sa likod ng bawat kontrata at bawat pisong ginagastos natin, may serbisyong kailangang maihatid at may mamamayang hindi dapat paghintayin,” pagtatapos ng Budget Secretary.
 
Ang A.S.K. — Alamin kay Sec. Kim ay serye ng DBM tungkol sa pagbibigay-kaalaman sa publiko na nagpapaliwanag sa national budget, mga proseso nito, at mga konseptong madalas hindi nauunawaan sa simple at madaling maintindihan na paraan—dahil hindi dapat nakalilito ang budget; dapat itong maunawaan ng bawat Pilipino.
 
 
UBN: 
 
 
[END]