Accessibility Tools

 

 

DBM Press Release

 
“Parang thesis defense ito”—Budget Chief walks Filipinos through congressional scrutiny of proposed government spending
 
The proposed National Budget does not simply pass through Congress after it is submitted by the President. Before public funds can be appropriated, government agencies must face lawmakers, defend their proposals, and show why their programs deserve funding.
 
This was explained by Department of Budget and Management (DBM) Secretary Kim Robert C. De Leon in Episode 10 of A.S.K. — Alamin kay Sec. Kim, which takes Filipinos inside the Budget Legislation Phase at the House of Representatives and shows how the National Expenditure Program (NEP) undergoes congressional scrutiny.
 
“Parang thesis defense ito. Hindi sapat na may proposal ka. Kailangang mapatunayan mong kailangan talaga ito, makikinabang ang mga Pilipino, at handa na itong maipatupad,” Secretary Kim De Leon said.
 
Once the President submits the NEP to Congress, the proposed budget enters the Budget Legislation Phase. At the House of Representatives, the House Committee on Appropriations examines the programs and projects proposed by government agencies and calls on them to explain and justify the funding they are seeking.
 
According to Secretary Kim, the scrutiny revolves around straightforward but important questions.
 
“Kailangan ba talaga ang programang ito? Ano ang magiging pakinabang nito sa taumbayan? At handa na ba itong maisakatuparan kapag nailaan na ang pondo?” he said.
 
Lawmakers examine whether the proposed amounts are reasonable, whether there is sufficient basis for the funding being requested, and whether the programs can genuinely benefit Filipinos.
 
“Hindi sapat na sabihing kailangan ang budget. Kailangang maipakita kung bakit ito mahalaga at kung paano ito magagamit nang maayos,” Sec. Kim stressed.
 
The review does not end with the committee hearings. Once the House Committee on Appropriations completes its scrutiny, it prepares the Committee Report and the House version of the General Appropriations Bill (GAB), which contains the proposed appropriations for government programs and projects.
 
The proposed budget then proceeds to plenary deliberations and goes through three readings in the House, where lawmakers may continue to debate its provisions, seek clarifications, and introduce changes. Approval on third reading produces the official House version of the GAB.
 
Secretary Kim likened the process to reviewing the blueprint of a house before construction begins: the plan must first be examined, the details checked, and its readiness established before it can move forward.
 
At the heart of this scrutiny, he emphasized, is a simple principle: the National Budget is the people’s money.
 
“Ang bawat pisong inilalagay sa National Budget ay pera ng taumbayan. Kaya nararapat lamang na ang bawat programa at proyekto ay masuring mabuti upang matiyak na ang bawat pondong gagastusin ng pamahalaan ay may malinaw na layunin, may tunay na pakinabang sa mga Pilipino, at karapat-dapat pondohan,” Sec. De Leon said.
 
After the House approves its version, the proposed budget proceeds to the Senate for its own review. How the two chambers eventually arrive at a single version of the National Budget will be discussed in the succeeding episode of A.S.K.
 
A.S.K. — Alamin kay Sec. Kim is DBM’s public information series that explains the national budget, its processes, and commonly misunderstood concepts in simple and relatable terms—because the budget should not be confusing; it should be understood by every Filipino.
 
Watch A.S.K. Episode 10 — Budget Legislation Phase (House of Representatives) here:
 
 
 
[END]
 
 
FILIPINO VERSION
 
NEWS MATERIAL
Department of Budget and Management
Ika-17 ng Setyembre 2026
 
 
Hindi basta-basta ipinapasa ang budget: Sec. Kim explains how House puts agency proposals to the test
“Parang thesis defense ito”—Budget Chief, ibinahagi sa mga Pilipino ang pagsusuri ng Kongreso sa panukalang gastusin ng pamahalaan
 
Hindi basta-basta naipapasa sa Kongreso ang panukalang national budget matapos itong isumite ng Pangulo. Bago mailaan ang pondo ng bayan, kailangang humarap ang mga ahensya ng pamahalaan sa mga mambabatas, ipagtanggol ang kanilang mga panukala, at ipakita kung bakit nararapat pondohan ang kanilang mga programa.
 
Ito ang ipinaliwanag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Kim Robert C. De Leon sa Episode 10 ng A.S.K. — Alamin kay Sec. Kim, na dinala ang Pilipino sa loob ng Budget Legislation Phase ng House of Representatives at ipinakita kung paano sumasailalim sa pagsusuri ng Kongreso ang National Expenditure Program (NEP).
 
“Parang thesis defense ito. Hindi sapat na may proposal ka. Kailangang mapatunayan mong kailangan talaga ito, makikinabang ang mga Pilipino, at handa na itong maipatupad,” ani Secretary Kim De Leon.
 
Kapag isinumite na ng Pangulo ang NEP sa Kongreso, pumapasok ang panukalang budget sa Budget Legislation Phase. Sa House of Representatives, sinusuri ng House Committee on Appropriations ang mga programa at proyektong isinusulong ng mga ahensya ng pamahalaan at pinahaharap ang mga ito upang ipaliwanag at bigyang-katwiran ang pondong kanilang hinihingi.
 
Ayon kay Secretary Kim, umiikot ang pagsusuri sa mga simple ngunit mahahalagang tanong.
 
“Kailangan ba talaga ang programang ito? Ano ang magiging pakinabang nito sa taumbayan? At handa na ba itong maisakatuparan kapag nailaan na ang pondo?” aniya.
 
Sinusuri ng mga mambabatas kung makatwiran ang mga halagang inilalagay sa panukala, kung may sapat na batayan ang hinihinging pondo, at kung tunay na makikinabang dito ang mga Pilipino.
 
“Hindi sapat na sabihing kailangan ang budget. Kailangang maipakita kung bakit ito mahalaga at kung paano ito magagamit nang maayos,” diin ni Sec. Kim.
 
Hindi nagtatapos sa mga pagdinig ng komite ang pagsusuri. Matapos makumpleto ng House Committee on Appropriations ang pagsusuri nito, naghahanda ito ng Committee Report at ng bersyon ng House ng General Appropriations Bill (GAB), na naglalaman ng mga panukalang appropriations para sa mga programa at proyekto ng pamahalaan.
 
Pagkatapos nito, isinasailalim ang panukalang budget sa plenary deliberations at dumaraan sa tatlong pagbasa sa House, kung saan maaari pa ring talakayin ng mga mambabatas ang mga probisyon nito, humingi ng mga paglilinaw, at magmungkahi ng mga pagbabago. Ang pag-apruba sa ikatlong pagbasa ang bumubuo sa opisyal na bersyon ng House ng GAB.
 
Inihambing ni Secretary Kim ang proseso sa pagsusuri ng blueprint ng isang bahay bago simulan ang konstruksyon: kailangang suriin muna ang plano, tingnan ang mga detalye, at tiyaking handa na ito bago ipagpatuloy.
 
Sa puso ng pagsusuring ito, binigyang-diin niya, ay isang simpleng prinsipyo: pera ng taumbayan ang National Budget.
 
“Ang bawat pisong inilalagay sa National Budget ay pera ng taumbayan. Kaya nararapat lamang na ang bawat programa at proyekto ay masuring mabuti upang matiyak na ang bawat pondong gagastusin ng pamahalaan ay may malinaw na layunin, may tunay na pakinabang sa mga Pilipino, at karapat-dapat pondohan,” ani Sec. De Leon.
 
Matapos aprubahan ng House ang bersyon nito, isusumite ang panukalang budget sa Senado para sa sarili nitong pagsusuri. Tatalakayin sa susunod na episode ng A.S.K. kung paano nagkakaroon ng iisang bersyon ng national budget ang dalawang kapulungan ng Kongreso.
 
Ang A.S.K. — Alamin kay Sec. Kim ay ang public information series ng DBM na nagpapaliwanag sa national budget, sa mga proseso nito, at sa mga konseptong madalas hindi nauunawaan, gamit ang simple at madaling maintindihan na mga paliwanag—dahil budget ay hindi dapat nakalilito; dapat itong nauunawaan ng bawat Pilipino.
 
Panoorin ang A.S.K. Episode 10 — Budget Legislation Phase (House of Representatives) dito:
 
 
 
 
[END]