
In line with President Ferdinand R. Marcos Jr.’s commitment to recognize and support the country’s public servants, the Department of Budget and Management (DBM) announced that qualified government employees, including military and uniformed personnel, will begin receiving their Mid-Year Bonus starting today, Friday, May 15, 2026.
A total of P73.456 billion has been allocated for the FY 2026 Mid-Year Bonus, benefiting more than 1.9 million civilian, military, and uniformed personnel across national government agencies.
DBM Secretary Rolando U. Toledo emphasized that the timely release of the Mid-Year Bonus reflects the administration’s recognition of the hard work, sacrifice, and dedication of government workers nationwide.
“Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nananatiling prayoridad ng administrasyon ang kapakanan ng ating mga lingkod-bayan. Ang maagang pagproseso ng Mid-Year Bonus ay pagkilala sa kanilang sakripisyo, dedikasyon, at mahalagang papel sa paghahatid ng serbisyo publiko sa bawat Pilipino,” Secretary Toledo said.
“Mula sa mga guro, nurse, sundalo, pulis, kawani ng gobyerno, hanggang sa mga nasa likod ng araw-araw na operasyon ng pamahalaan—ang bonus na ito ay simpleng pasasalamat ng gobyerno para sa inyong walang sawa, masipag, at tapat na paglilingkod sa bayan,” he added.
Secretary Toledo also noted that funds for the Mid-Year Bonus had already been comprehensively released at the start of the fiscal year to ensure the timely provision of benefits.
“Tiniyak ng DBM na maagang nailabas ang kinakailangang pondo upang hindi maantala ang pagbibigay ng benepisyong ito. Nasa hurisdiksyon na ng kani-kanilang ahensya ang aktwal na pagproseso at pagpapalabas ng Mid-Year Bonus para sa kanilang mga kwalipikadong personnel,” the DBM Chief explained.
Under DBM Budget Circular No. 2017-2, the Mid-Year Bonus is equivalent to one month basic pay as of May 15 and shall be granted to personnel who meet the following conditions:
• have rendered at least an aggregate of four (4) months of service from July 1 of the immediately preceding year to May 15 of the current year;
• remain in government service as of May 15 of the current year; and
• have obtained at least a satisfactory performance rating in the immediately preceding rating period or applicable performance appraisal period.
The required service period includes actual services rendered while occupying regular, contractual, or casual positions in the national and local government, including leaves of absence with pay.
The grant of the Mid-Year Bonus also extends to local government units (LGUs). However, the release of the bonus to qualified personnel in provinces, cities, municipalities, and barangays shall be subject to the approval of their respective sanggunian and the conditions provided under DBM Budget Circular No. 2017-2.
[END]
NEWS MATERIAL
Department of Budget and Management
Ika-15 ng Mayo 2026
PBBM, tiniyak ang napapanahong Mid-Year Bonus ng mga gov’t employees; DBM sinabing magsisimula ang release ng bonus ngayong araw, May 15
Alinsunod sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kilalanin at suportahan ang mga lingkod-bayan ng bansa, inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) na matatanggap na ng mga kwalipikadong kawani ng gobyerno, kabilang ang mga military at uniformed personnel, ang kanilang Mid-Year Bonus simula ngayong araw, Biyernes, ika-15 ng Mayo 2026.
Tinatayang P73.456 bilyon ang inilaan para sa FY 2026 Mid-Year Bonus na matatanggap ng mahigit 1.9 milyong civilian, military, at uniformed personnel sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Binigyang-diin ni DBM Secretary Rolando U. Toledo na ang napapanahong pagpapalabas ng Mid-Year Bonus ay patunay ng pagkilala ng administrasyon sa sipag, sakripisyo, at dedikasyon ng mga kawani ng gobyerno sa buong bansa.
“Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nananatiling prayoridad ng administrasyon ang kapakanan ng ating mga lingkod-bayan. Ang maagang pagproseso ng Mid-Year Bonus ay pagkilala sa kanilang sakripisyo, dedikasyon, at mahalagang papel sa paghahatid ng serbisyo publiko sa bawat Pilipino,” ayon kay Secretary Toledo.
“Mula sa mga guro, nurse, sundalo, pulis, kawani ng gobyerno, hanggang sa mga nasa likod ng araw-araw na operasyon ng pamahalaan—ang bonus na ito ay simpleng pasasalamat ng gobyerno para sa inyong walang sawa, masipag, at tapat na paglilingkod sa bayan,” dagdag ng Kalihim.
Ayon pa kay Secretary Toledo, nailabas na nang buo ang pondo para sa Mid-Year Bonus sa simula pa lamang ng fiscal year upang matiyak ang maagap na pagbibigay ng benepisyo.
“Tiniyak ng DBM na maagang nailabas ang kinakailangang pondo upang hindi maantala ang pagbibigay ng benepisyong ito. Nasa hurisdiksyon na ng kani-kanilang ahensya ang aktwal na pagproseso at pagpapalabas ng Mid-Year Bonus para sa kanilang mga kwalipikadong personnel,” paliwanag n'ya.
Sa ilalim ng DBM Budget Circular No. 2017-2, ang Mid-Year Bonus ay katumbas ng isang buwang basic pay batay sa sahod ng empleyado noong Mayo 15 at ipagkakaloob sa mga personnel na tumutugon sa mga sumusunod na kondisyon:
• nakapagbigay ng hindi bababa sa pinagsamang apat (4) na buwang serbisyo mula Hulyo 1 ng nakaraang taon hanggang Mayo 15 ng kasalukuyang taon;
• nananatili sa serbisyo ng pamahalaan hanggang Mayo 15 ng kasalukuyang taon; at
• nakakuha ng hindi bababa sa satisfactory na performance rating sa nakaraang evaluation period o naaangkop na performance appraisal period.
Kabilang sa kinakailangang service period ang aktuwal na serbisyong naibigay habang nasa regular, contractual, o casual na posisyon sa national at lokal na pamahalaan, kabilang ang mga leave of absence na may bayad.
Sakop din ng pagbibigay ng Mid-Year Bonus ang mga local government unit (LGU). Gayunman, ang pagpapalabas ng bonus para sa mga kwalipikadong personnel sa mga lalawigan, LGU, at barangay ay nakasalalay sa pag-apruba ng kani-kanilang sanggunian at sa pagsunod sa mga kondisyong nakasaad sa DBM Budget Circular No. 2017-2.
[END]

