Accessibility Tools

 

 
DBM Press Release
 
 
As Filipino families grapple with rising costs driven by global energy pressures, the administration of President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. is accelerating the delivery of ayuda (aid) and targeted support, anchored on a strengthened push for transparency, accountability, and citizen participation in public spending.
 
The move has drawn international recognition, with the Open Government Partnership (OGP) International citing the Philippines’ latest reform in its social media post as _*“a step forward in making open government standards a practice in the Philippines.”*_
 
The Department of Budget and Management (DBM) emphasized that while assistance is being expanded to cushion the impact of the crisis, every peso must be spent with discipline, visibility, and clear accountability to the Filipino people.
 
In line with this, DBM issued Circular Letter No. 2026-6, institutionalizing the adoption of Open Government principles across all programs, activities, and projects. The directive mandates all national government agencies, government-owned and controlled corporations (GOCCs), state universities and colleges (SUCs), and local government units (LGUs) to embed transparency, stakeholder participation, and accountability mechanisms in both design and implementation.
 
The Circular establishes clear, enforceable standards to ensure that public funds, especially those allocated for critical support such as ayuda, are properly managed, openly disclosed, and subject to public scrutiny.
 
Agencies are required to publish financial and physical accomplishments, establish accessible feedback and grievance mechanisms, and actively involve citizens and stakeholders in program planning and monitoring.
 
Further, agencies are directed to strengthen proactive disclosure of budgets, procurement, and service delivery performance, and to utilize digital platforms for real-time reporting and public access to information—ensuring that government action remains both responsive and credible during times of crisis.
 
DBM Secretary Rolando “Rolly” U. Toledo emphasized that the reform goes beyond compliance, underscoring the need to rebuild and sustain public trust at a critical time:
 
“Sa panahon ng krisis, hindi sapat na mabilis ang tulong. Dapat malinaw kung saan napupunta ang bawat piso, at maramdaman ng taumbayan na kasama sila sa proseso. Ang tunay na malasakit ay nasusukat hindi lamang sa laki ng ayuda, kundi sa pagiging bukas, tapat, at may pananagutan ng pamahalaan sa bawat desisyon at inilalabas nitong pondo,” Sec. Rolly Toledo said.
 
The Budget Chief also emphasized that the government’s response goes beyond immediate relief.
 
Habang pinapalawak natin ang ayuda para maibsan ang epekto ng tumataas na gastos, sabay din nating pinapalakas ang tiwala ng publiko. Importante po ito dahil ang bawat pisong ginagastos ng gobyerno ay dapat may malinaw na resulta, may saysay, at may pananagutan,” Sec. Toledo said.
 
The national government reaffirms its commitment to ensuring that crisis response and long-term governance reforms move in tandem, with the goal of delivering meaningful, felt impact while upholding the highest standards of transparency and integrity.
 
[END]
 
 
###
 
 
NEWS MATERIAL
Department of Budget and Management
21 April 2026
 
REPORMA SA OPEN GOVERNMENT AT TRANSPARENCY NG PILIPINAS, UMANI NG GLOBAL RECOGNITION; DBM, MAS PINALAWAK PA ANG TULONG, SUPORTA
 
Habang patuloy na nararamdaman ng bawat pamilyang Pilipino ang epekto ng tumataas na gastusin dulot ng pandaigdigang krisis sa enerhiya, pinaiigting ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang pagbibigay ng ayuda at suporta sa mga pinakaapektadong sektor.  Ito ay nakaakibat sa mas pinalakas na pagsulong ng transparency, accountability, at citizen participation sa pamamahala ng pondo ng bayan.
 
Ang hakbang ay kinilala kamakailan ng Open Government Partnership (OGP) International at inilarawan ang repormang ito bilang isang “step forward in making open government standards a practice in the Philippines” o mahalagang hakbang sa pagtatatag ng pamantayan ng open government sa bansa.
 
Binigyang-diin ng Department of Budget and Management (DBM) na habang pinapalawak ang tulong upang maibsan ang epekto ng krisis, mahalagang matiyak na ang bawat pondo ng bayan ay ginagastos nang may disiplina, may pananagutan, at tunay na nakikita ng publiko.
 
Alinsunod dito, inilabas ng DBM ang Circular Letter No. 2026-6 na nagtatakda ng mga alituntunin sa pag-aangkop ng mga prinsipyo ng bukas na pamamahala sa lahat ng programa, aktibidad, at proyekto ng gobyerno. Sakop nito ang mga national government agencies, government-owned and controlled corporations (GOCCs), state universities and colleges (SUCs), at local government units (LGUs), na inaatasang ipaloob ang transparency, stakeholder participation, at accountability sa disenyo at implementasyon ng kanilang mga programa.
 
Layunin ng Circular na maglatag ng malinaw at maipatutupad na pamantayan para masigurong ang pondo ng gobyerno—lalo na ang nakalaan para sa ayuda—ay maayos na nagagamit, bukas sa publiko, at nasusuri ng mamamayan.
 
Inaatasan din ang mga ahensya na maglabas ng kanilang financial at physical accomplishments, magtatag ng feedback at grievance mechanisms, at aktibong isama ang mga mamamayan at stakeholder sa pagpaplano at monitoring ng mga programa.
 
Batay sa Circular, may tungkulin ang mga ahensya na higit pang paigtingin ang proactive disclosure o pagiging bukas ng kanilang pondo, procurement, at performance sa paghahatid ng serbisyo. Hinihikayat din nito ang paggamit ng mga digital platform para sa real-time na pag-uulat at mas malawak na access ng publiko sa impormasyon—upang mas mapabilis ang pagtugon ng pamahalaan at mapagtibay ang tiwala ng mga mamamayan, lalo na sa panahon ng krisis.
 
Binigyang-diin ni DBM Secretary Rolando "Rolly" U. Toledo na ang reporma ay higit pa sa pagsunod, kundi nagbibigay-diin sa pangangailangang ibangon at ipagpatuloy ang tiwala ng publiko sa kritikal na panahon:
Sa panahon ng krisis, hindi sapat na mabilis ang tulong. Dapat malinaw kung saan napupunta ang bawat piso at maramdaman ng taumbayan na kasama sila sa proseso. Ang tunay na malasakit ay nasusukat hindi lamang sa laki ng ayuda, kundi sa pagiging bukas, tapat, at may pananagutan ng pamahalaan sa bawat desisyon at inilalabas nitong pondo," ayon kay Sec. Rolly Toledo.
 
Dagdag pa niya, higit sa pamimigay ng agarang tulong ang ginagawang pagtugon ng gobyerno.
 
Habang pinapalawak natin ang ayuda para maibsan ang epekto ng tumataas na gastos, sabay din nating pinapalakas ang tiwala ng publiko. Importante po ito dahil ang bawat pisong ginagastos ng gobyerno ay dapat may malinaw na resulta, may saysay, at may pananagutan.” pahayag ni Sec. Toledo.
 
Sa kabuuan, naninindigan ang pambansang pamahalaan sa pangako nito na epektibong tugunan ang krisis kasabay ng pagpapatupad ng mga pangmatagalang reporma—upang makapaghatid ng makabuluhan at nararamdamang benepisyo sa mamamayan, habang pinananatili ang mataas na pamantayan ng bukas at may integridad na pamahalaan.
 
[END]