DBM PRESS RELEASE

In a bold push to address classroom shortages and uplift the quality of basic education, President Ferdinand R. Marcos Jr. has ordered the release of Php 17.27 billion to accelerate the construction of classrooms nationwide.
Acting on this directive, Department of Budget and Management (DBM) Secretary Rolando “Rolly” U. Toledo approved on 13 April 2026 the release of Php 17.27 billion to the Department of Education (DepEd).
The amount, released through a Special Allotment Release Order (SARO), will fund the construction of 4,960 classrooms nationwide, including the provision of essential school furniture and fixtures—bringing immediate relief to overcrowded schools and underserved communities.
Charged against the Php 85.40 billion Basic Education Facilities (BEF) Fund under the FY 2026 General Appropriations Act (GAA), the release is a decisive step toward closing the country’s classroom gap and ensuring that every Filipino learner has access to a safe, conducive, and dignified learning environment.
DBM Secretary Rolly Toledo emphasized that the initiative is not merely about infrastructure, but about securing the future of the nation through education.
“Sa utos ng Pangulo, pinapabilis natin ang pagpapatayo ng mga silid-aralan dahil hindi dapat naghihintay ang pangarap ng kabataan. Hindi dapat nasisikip, napapabayaan, o napag-iiwanan ang kanilang pag-aaral,” Secretary Toledo said.
“Sa bawat silid-aralan na itinatayo natin, may batang nabibigyan ng mas maayos na kinabukasan. Hindi lang ito pader at bubong—ito ay pag-asa, pagkakataon, at unang hakbang tungo sa mas magandang buhay,” he added.
The release also reinforces the President’s Nationwide Classroom Building Program, which institutionalizes a landmark partnership between DepEd and local government units (LGUs) to accelerate the construction, rehabilitation, and repair of classrooms nationwide.
Through this whole-of-government and whole-of-nation approach, the Administration aims to ensure that no learner is left behind due to distance, poverty, and the lack of classrooms.
[END]
NEWS MATERIAL
Department of Budget and Management
20 April 2026
PBBM, INIUTOS ANG PAG-RELEASE NG P17.27B PARA SA PAGPAPATAYO NG 4,960 SILID-ARALAN SA BUONG BANSA, UPANG MATUGUNAN ANG AGWAT SA PAGKATUTO
Sa isang matibay na hakbang upang tugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan at maiangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa, iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalabas ng Php 17.27 bilyon upang mapabilis ang pagpapatayo ng mga silid-aralan sa buong bansa.
Alinsunod sa direktibang ito, inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Rolando “Rolly” U. Toledo noong April 13, 2026, ang pagpapalabas ng Php 17.27 bilyon sa Department of Education (DepEd).
Ang nasabing pondo, na inilabas sa pamamagitan ng Special Allotment Release Order (SARO), ay gagamitin para sa pagtatayo ng 4,960 silid-aralan sa buong bansa, kabilang ang paglalaan ng mga kinakailangang school furniture at fixtures na magbibigay ng agarang ginhawa sa mga siksikang paaralan at underserved na mga komunidad.
Kukunin ang halaga sa Php 85.40 bilyong Basic Education Facilities (BEF) Fund sa ilalim ng FY 2026 General Appropriations Act (GAA). Ang pagpapalabas ng pondo na ito ay isang matibay na hakbang tungo sa pagpuno sa kakulangan sa mga silid-aralan sa bansa at sa pagtiyak na ang bawat mag-aaral na Pilipino ay may access sa ligtas, maayos, at marangal na kapaligiran sa pagkatuto.
Binigyang-diin ni DBM Secretary Rolly Toledo na ang inisyatibong ito ay hindi lamang tungkol sa imprastraktura, kundi sa pagtiyak ng kinabukasan ng bansa sa pamamagitan ng edukasyon.
“Sa utos ng Pangulo, pinapabilis natin ang pagpapatayo ng mga silid-aralan dahil hindi dapat naghihintay ang pangarap ng kabataan. Hindi dapat nasisikip, napapabayaan, o napag-iiwanan ang kanilang pag-aaral,” ani Secretary Toledo.
“Sa bawat silid-aralan na itinatayo natin, may batang nabibigyan ng mas maayos na kinabukasan. Hindi lang ito pader at bubong—ito ay pag-asa, pagkakataon, at unang hakbang tungo sa mas magandang buhay,” dagdag pa niya.
Pinatitibay din ng release na ito ang Nationwide Classroom Building Program ng Pangulo, na nagtataguyod ng mahalagang partnership sa pagitan ng DepEd at local government units (LGUs) upang mapabilis ang pagtatayo, rehabilitasyon, at pagkukumpuni ng mga silid-aralan sa buong bansa.
Sa pamamagitan ng whole-of-government at whole-of-nation approach, layunin ng Administrasyon na matiyak na walang mag-aaral ang maiiwan dahil sa distansya, kahirapan, at kakulangan ng mga silid-aralan.
[END]

