DBM Press Release

The government today underscored that Unprogrammed Appropriations (UA) in the FY 2026 General Appropriations Act (GAA) have been reduced to PHP150.9 billion, the lowest level since 2019, as part of a more disciplined, transparent, and careful approach to managing public funds.
Unprogrammed Appropriations are standby spending authorities approved by Congress that may only be used if specific legal conditions are met, such as the availability of additional revenues beyond projections or the realization of new loan proceeds. These funds are not automatically released and remain subject to strict rules and validation.
As explained by Department of Budget and Management (DBM) Secretary Rolly Toledo, “Mahalagang linawin na hindi mali ang UA. Ang UA ay standby authority lamang na maaari lang gamitin kapag may malinaw at legal na kundisyong natupad, gaya ng pagkakaroon ng extra revenues o loan at pagsunod sa mahigpit na patakaran at validation.”
A review of historical budget data shows how significantly UA has been tightened for 2026. In 2019, UA stood at PHP197.1 billion, increasing to PHP216.3 billion in 2020, before declining to PHP176.3 billion in 2021. In 2022, UA rose to PHP251.6 billion, PHP807.2 billion in 2023, followed by PHP731.4 billion in 2024. In 2025, UA was substantially reduced to PHP363.4 billion, before being further lowered to PHP150.9 billion in 2026, making this year’s level the lowest in seven years and even below pre-pandemic levels.
Secretary Toledo emphasized that the significant reduction in UA for 2026 reflects a clear policy direction. _“Sa kabuuan, ibinaba sa PHP150.9-bilyon ang UA para sa taong 2026—pinakamababa mula noong 2019—bilang bahagi ng mas mahigpit at mas maingat na pamamahala sa kaban ng bayan,” he said.
Alongside this reduction, the President exercised his veto power over several proposed UA items to prevent the standby authority from being misused as a shortcut to spending. These included allocations for budgetary support to government-owned and controlled corporations, prior years’ local government unit shares, personnel services requirements, certain industry support programs, insurance of government assets, and some proposed government counterpart funding.
“Bagamat ang UA ay standby authority pa lamang at ang aktwal na paggamit nito ay nakadepende sa pagkakaroon ng karagdagang kita, minabuti ng Pangulo na i-veto ang ilang mungkahing paggamitan ng UA dahil malinaw ang prinsipyo: ang UA ay hindi dapat maging shortcut o backdoor sa paggastos ng pondo ng bayan,” Toledo explained.
At the same time, some UA items were retained because they may require immediate action should legally defined conditions arise. These include support for foreign-assisted projects with loan agreements expected to be finalized during the year, risk management provisions for unforeseen contingencies, and PHP50 billion for the Revised AFP Modernization Program, recognizing the urgency of strengthening national defense capabilities. All retained items remain subject to strict release conditions and do not guarantee actual disbursement.
The government clarified that these vetoes and tighter controls will not disrupt regular government operations. The FY 2026 GAA already provides sufficient funding for priority programs, including salary increases for civilian government employees under Salary Standardization Law VI and salary and subsistence allowance adjustments for military and uniformed personnel under Executive Order No. 107, s. 2025, as well as funding for foreign-assisted projects within the regular budget.
Addressing criticisms that UA is a form of pork or discretionary fund, Secretary Toledo stressed, _“Ang UA ay hindi blank check, hindi pork barrel, at hindi political fund. Ito ay safety net, hindi shortcut.”_
He further emphasized that transparency remains the strongest safeguard against abuse. “Kasabay ng fiscal discipline at prudence, malinaw ang paninindigan ng pamahalaan sa transparency bilang pangunahing safeguard. Walang lihim na galawan at walang secret na paglalabas ng pondo. Bawat galaw ng UA ay kailangang may malinaw na basehan, malinaw na dokumento, at malinaw na pananagutan,” Toledo said.
In closing, the DBM Secretary underscored the administration’s firm stance on fiscal governance: “Malinaw ang direksyon ng ating Pangulo: higpitan kung kinakailangan, at payagan lamang ang paglalabas ng pondo kung pasado sa batas, polisiya, at mga umiiral na panuntunan.”
“Hindi natin inaalis ang UA. Nililinis natin ito. Pinipigilan natin ang pag-abuso rito. Sa ganitong paraan, napoprotektahan ang pera ng bayan at ang tiwala ng sambayanang Pilipino,” Toledo added.
###
FILIPINO VERSION
NEWS MATERIAL
Department of Budget and Management
5 Enero 2026
Unprogrammed Appropriations sa FY 2026 national budget, pinakamababa mula 2019; gobyerno tiniyak na hindi ito aabusuhin
Binigyang-diin ng pamahalaan na ang Unprogrammed Appropriations (UA) sa FY 2026 General Appropriations Act (GAA) ay ibinaba na sa PHP150.9 bilyon, na siyang pinakamababang antas nito mula noong 2019. Bahagi ito ng mas disiplinado, mas malinaw, at mas maingat na pamamahala sa pera ng bayan.
Ang Unprogrammed Appropriations ay standby na pahintulot sa paggastos na ibinibigay ng Kongreso. Ibig sabihin, hindi ito agad ginagastos. Magagamit lamang ang UA kung may malinaw na kundisyong natupad, tulad ng pagkakaroon ng sobrang koleksyon ng kita o bagong loan, at kung pumasa ito sa mahigpit na patakaran at pagsusuri.
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Rolly Toledo, “Mahalagang linawin na hindi mali ang UA. Ang UA ay standby authority lamang na maaari lang gamitin kapag may malinaw at legal na kundisyong natupad, gaya ng pagkakaroon ng extra revenues o loan at pagsunod sa mahigpit na patakaran at validation.”
Makikita sa datos ng mga nakaraang taon kung gaano kalaki ang ibinaba ng UA para sa 2026. Noong 2019, ang UA ay nasa PHP197.1 bilyon. Tumaas ito sa PHP216.3 bilyon noong 2020, bago bumaba sa PHP176.3 bilyon noong 2021. Noong 2022, umakyat ito sa PHP251.6 bilyon, PHP807.2 bilyon noong 2023, at PHP731.4 bilyon naman noong 2024. Noong 2025, bumaba na ito sa PHP363.4 bilyon, bago muling ibinaba sa PHP150.9 bilyon sa 2026—ang pinakamababa sa loob ng pitong taon at mas mababa pa kumapara noong bago ang pandemya.
Binigyang-diin ni Secretary Toledo na malinaw ang direksyon ng pamahalaan sa pagbawas ng UA. “Sa kabuuan, ibinaba sa PHP150.9-bilyon ang UA para sa taong 2026—pinakamababa mula noong 2019—bilang bahagi ng mas mahigpit at mas maingat na pamamahala sa kaban ng bayan,” aniya.
Kasabay ng pagbabang ito, ginamit ng Pangulo ang kanyang kapangyarihang mag-veto ng ilang panukalang paggagamitan ng UA upang maiwasan ang maling paggamit nito bilang shortcut sa paggastos. Kabilang sa mga na-veto ang mga panukalang pondo para sa budgetary support sa GOCCs, mga hindi pa nababayarang bahagi ng LGUs mula sa nakaraang taon, ilang personnel services requirements, ilang industry support programs, insurance ng government assets, at ilang panukalang counterpart funding ng gobyerno.
Paliwanag ni Toledo, “Bagamat ang UA ay standby authority pa lamang at ang aktwal na paggamit nito ay nakadepende sa pagkakaroon ng karagdagang kita, minabuti ng Pangulo na i-veto ang ilang mungkahing paggamitan ng UA dahil malinaw ang prinsipyo: ang UA ay hindi dapat maging shortcut o backdoor sa paggastos ng pondo ng bayan.”
Mayroon ding mga item sa ilalim ng UA na hindi na-veto, dahil maaaring kailanganin ang mga ito kung sakaling may agarang pangangailangan at kung matupad ang mga legal na kondisyon. Kabilang dito ang suporta sa foreign-assisted projects na inaasahang mapipirmahan ang loan agreements ngayong taon, mga pondo para sa risk management sa mga hindi inaasahang pangyayari, at PHP50 bilyon para sa Revised AFP Modernization Program, na mahalaga sa pagpapalakas ng kakayahan ng bansa sa depensa. Gayunman, ang mga ito ay hindi pa rin awtomatikong ginagastos at daraan pa rin sa mahigpit na proseso.
Nilinaw ng pamahalaan na ang mga veto at mas mahigpit na patakaran sa UA ay hindi makakaapekto sa normal na operasyon ng gobyerno. May sapat na pondo ang FY 2026 GAA para sa mga prayoridad na programa, kabilang ang salary increases ng mga kawani ng gobyerno sa ilalim ng SSL VI, taas-sahod at allowance ng mga sundalo at unipormadong personnel sa ilalim ng EO No. 107, s. 2025, at pondo para sa mga foreign-assisted projects sa ilalim ng regular na badyet.
Bilang tugon sa mga nagsasabing ang UA ay pork barrel o discretionary fund, iginiit ni Secretary Toledo, “Ang UA ay hindi blank check, hindi pork barrel, at hindi political fund. Ito ay safety net, hindi shortcut.”
Dagdag pa niya, mahalaga ang transparency bilang pangunahing proteksyon laban sa abuso. “Kasabay ng fiscal discipline at prudence, malinaw ang paninindigan ng pamahalaan sa transparency bilang pangunahing safeguard. Walang lihim na galawan at walang secret na paglalabas ng pondo. Bawat galaw ng UA ay kailangang may malinaw na basehan, malinaw na dokumento, at malinaw na pananagutan,” ani Toledo.
Sa huli, binigyang-diin ng DBM Secretary ang malinaw na direksyon ng administrasyon: “Malinaw ang direksyon ng ating Pangulo: higpitan kung kinakailangan, at payagan lamang ang paglalabas ng pondo kung pasado sa batas, polisiya, at mga umiiral na panuntunan.”_
“Hindi natin inaalis ang UA. Nililinis natin ito. Pinipigilan natin ang pag-abuso rito. Sa ganitong paraan, napoprotektahan ang pera ng bayan at ang tiwala ng sambayanang Pilipino,” pagtatapos ni Toledo.
[END]

