DBM Press Release

As the Christmas season draws near, the Department of Budget and Management has called on all government offices to keep their holiday festivities simple, meaningful, and mindful of the current challenges facing many Filipinos.
Budget Secretary Amenah Pangandaman reminded public servants to be prudent, sensitive, and responsible in spending this coming holiday season, especially with the recent spate of calamities that devastated several parts of the country.
“While celebrating milestones and camaraderie is important, let us not forget that many of our kababayans continue to struggle, especially those that are hit by recent calamities. The President wants us to be sensitive to their situation. The best way to celebrate is to give back,” Pangandaman said.
To ensure responsible spending, the DBM issued a Circular Letter reiterating that all government entities - including GOCCs, GFIs, SUCs, and LGUs - must strictly observe existing rules on the judicious use of public funds during Christmas and New Year activities.
The reminder cites Executive Order No. 292, Republic Act No. 6713, and COA Circular No. 2012-003, which prohibit irregular, unnecessary, and extravagant expenses, such as luxury venue rentals, liquor purchases, or lavish parties funded by public money.
Secretary Pangandaman encouraged government employees to hold simple, inclusive, and heartfelt celebrations that reflect the values of compassion, unity, and integrity in public service.
She also urged agencies to consider alternative activities in the spirit of Bagong Pilipinas - such as community outreach, volunteer work, or gift-giving programs that extend holiday cheer to underprivileged sectors.
“The DBM promotes the efficient and responsible use of government funds, especially during the holidays when spending tends to increase,” Pangandaman noted.
All heads of departments and agencies have been directed to ensure full compliance with fiscal accountability measures and to spread awareness of the guidelines across their respective offices.
As Secretary Pangandaman concluded, “The best way to celebrate is to give back. Let our gatherings embody service, generosity, and solidarity - the true spirit of a Bagong Pilipinas.” (END)
###
FILIPINO VERSION
NEWS MATERIAL
Department of Budget and Management
5 November 2025
Paalala ng DBM sa mga tanggapan ng gobyerno: Gawing simple at may malasakit ang pagdiriwang ng holiday season
Ngayong papalapit na ang Pasko, pinaalalahanan ng Department of Budget and Management (DBM) ang lahat ng tanggapan ng gobyerno na gawing simple, makabuluhan, at may malasakit ang kanilang mga Christmas at year-end celebrations, lalo na’t marami pa ring Pilipino ang dumaraan sa pagsubok.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, dapat maging maingat, sensitibo at responsable ang mga kawani ng gobyerno sa paggastos ngayong nalalapit na ang holiday season, lalo na’t may mga lugar sa bansa na tinamaan ng sunud-sunod na kalamidad.
“Mahalaga ang pagdiriwang at pagkakaisa, pero huwag din nating kalimutan na marami sa ating mga kababayan ang patuloy na nahihirapan, lalo na ‘yung mga tinamaan ng kalamidad. Gusto ng Pangulo na maging sensitibo at maunawain tayo sa kanilang kalagayan. Ang pinakamagandang paraan para magdiwang ay ang magbalik at tumulong,” ani Pangandaman.
Naglabas ang DBM ng Circular Letter para muling ipaalala na lahat ng government entities — kasama ang GOCCs, GFIs, SUCs, at LGUs — ay dapat sumunod sa mga umiiral na patakaran para masigurong tama at responsable ang paggamit ng pondo sa mga Christmas at New Year activities.
Binigyang-diin sa paalala ang nakasaad sa Executive Order No. 292, Republic Act No. 6713, at COA Circular No. 2012-003 na nagbabawal sa paggamit ng pondo ng gobyerno sa mga gastos na itinuturing na irregular, unnecessary, at extravagant — tulad ng mamahaling venue, pagbili ng alak, at engrandeng party na sagot ng gobyerno.
Hinimok ni Secretary Pangandaman ang mga empleyado ng gobyerno na magkaroon ng simple, bukas para sa lahat, at taos-pusong selebrasyon na nagpapakita ng malasakit, pagkakaisa, at integridad sa serbisyo publiko.
Hinikayat din niya ang mga ahensya na gawing inspirasyon ang diwa ng Bagong Pilipinas sa pagdiriwang — sa halip na magarbo, maaaring magsagawa ng community outreach, volunteer work, o gift-giving programs para maibahagi ang saya ng Pasko sa mga kababayang kapos sa buhay.
“Itinataguyod ng DBM ang maayos at responsableng paggamit ng pondo ng gobyerno, lalo na ngayong panahon ng Pasko kung kailan karaniwang tumataas ang paggastos,” ani Pangandaman.
Hiniling din ni Secretary Amenah sa mga pinuno ng mga departamento at ahensya na siguraduhing nasusunod ang mga patakarang ito at maiparating ang paalala sa kanilang mga tanggapan.
“Ang pinakamagandang paraan para magdiwang ay ang magbigay pabalik. Nawa’y maging simbolo ng ating mga pagtitipon ang tunay na diwa ng paglilingkod, pagkakaisa, at kabutihang-loob — ito ang tunay na espiritu ng Bagong Pilipinas,” pagtatapos ni Secretary Pangandaman.
(END)

