Accessibility Tools

 

 
DBM Press Release
 
 
Budget Secretary Amenah Pangandaman reaffirmed her agency’s full support for Pres. Ferdinand Marcos Jr.’s inclusive development vision as she led a coordination meeting and site visit with Mayor Isko Domagoso for the establishment of a Halal Town project in the city.
 
Secretary Pangandaman described the initiative as a landmark project under the Marcos administration’s ‘Bagong Pilipinas’ agenda, highlighting its potential to create jobs, promote cultural harmony, and stimulate tourism in the nation’s capital.
 
Masayang-masaya at proud tayo na magkakaroon dito sa Maynila [ng Halal Town],” Pangandaman said, emphasizing that the project will serve as a symbol of unity and progress.
 
She shared that the United Arab Emirates government has expressed its willingness to assist in the construction
of a new mosque in Quiapo, which will serve as a cornerstone for the Halal Town’s development.
 
Alam n’yo po ba itong Halal project (culinary hub) is a multi-billion industry po,” Pangandaman noted, stressing that the halal economy will not only boost tourism but also open new employment opportunities for local residents.
 
The Budget Secretary revealed that the DBM is exploring the use of the Local Government Support Fund to help realize the City of Manila’s plans for the Halal Town project.
 
Meron po tayong Local Government Support Fund na mina-manage ng DBM, tulong na binibigay natin sa local government units,” she explained, adding that the DBM is ready to assist once the Manila government finalizes the project’s specifics and costings.
 
The Halal Town is envisioned as a modern, organized hub for halal-certified food stalls, fabric shops, and microenterprises, complemented by smart streetlighting, cultural archways, and Muslim-Filipino architectural designs.
 
The project aims to transform a portion of Quiapo into a vibrant center of trade and culture while preserving its deep-rooted religious and historical identity.
 
Mayor Isko Moreno expressed his gratitude to the Marcos administration and the DBM for their continued support, saying that the investment will not only benefit Manila but also uplift communities from Mindanao whose products are sold in the capital.
 
Hindi lang Maynila ang makikinabang rito pati ‘yung mga kapitbahay natin sa Mindanao,” Mayor Moreno said, noting that formalizing these local businesses will promote order, cleanliness, and legitimacy.
 
The Manila chief executive also briefed Secretary Pangandaman on the city’s preparations for the ASEAN 2026 visit, including several urban renewal projects such as the proposed Central Park and enhancements to heritage areas.
 
Pangandaman likewise reported that around ₱78 million has already been released to the City of Manila under the “Green, Green, Green” program to support the development of open spaces and green infrastructure.
 
She added that the DBM’s continued investment in local infrastructure reflects President Marcos’ directive to build inclusive, resilient, and sustainable cities under his Bagong Pilipinas campaign.
 
Pinakita din po ni Yorme ang napag-usapan nila ni Pangulong Marcos, ‘yung ating magiging Central Park,” Pangandaman said, reaffirming DBM’s commitment to partner with local governments in realizing these projects.
 
Through initiatives like the Manila Halal Town, the DBM underscores PBBM’s legacy of fostering economic empowerment and cultural inclusivity, ensuring that national progress embraces all sectors of society.
 
Secretary Pangandaman concluded that under President Marcos’ leadership, the government’s investment in projects rooted in heritage and community will serve as a foundation for a truly inclusive and prosperous Philippines. 
 
(END)
 
 
###
 
 
DBM Press Release
Nobyembre 3, 2025
 
DBM, itinutulak ang legacy project ni PBBM sa Maynila — all-out support para sa Halal Town Project sa kabisera ng bansa
 
Muling tiniyak ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang buong suporta ng DBM sa adbokasiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa inclusive development, matapos siyang manguna sa isang pagpupulong at site visit kasama si Mayor Isko Domagoso para sa planong pagtatayo ng Halal Town project sa Maynila.
 
Ayon kay Secretary Pangandaman, ang proyekto ay isa sa mga pangunahing hakbang sa ilalim ng Bagong Pilipinas agenda ng administrasyon, na layuning makalikha ng trabaho, palaganapin ang pagkakaisa ng mga kultura, at pasiglahin ang turismo sa kabisera ng bansa.
 
Masayang-masaya at proud tayo na magkakaroon dito sa Maynila [ng Halal Town],” ani Pangandaman, na nagsabing magiging simbolo ito ng pagkakaisa at pag-unlad.
 
Ibinahagi rin niya na nagpahayag ng kagustuhan ang pamahalaan ng United Arab Emirates na tumulong sa pagpapatayo ng bagong mosque sa Quiapo, na magsisilbing sentro ng Halal Town development.
 
“Alam n’yo po ba itong Halal project (culinary hub) is a multi-billion industry po,” sabi pa ni Pangandaman, na binigyang-diin na makatutulong ang halal economy hindi lamang sa turismo kundi pati sa pagbubukas ng maraming trabaho para sa mga taga-Maynila.
 
Ipinahayag din ni Secretary Pangandaman na pinag-aaralan ng DBM ang posibilidad na gamitin ang Local Government Support Fund para matulungan ang Lungsod ng Maynila sa pagpapatupad ng proyekto.
 
Meron po tayong Local Government Support Fund na mina-manage ng DBM, tulong na binibigay natin sa local government units,” paliwanag niya. Dagdag pa niya, handa ang DBM na magbigay ng suporta kapag naisumite na ng pamahalaang lungsod ang detalye at costing ng proyekto.
 
Ang Halal Town ay nakikita bilang isang modernong lugar kung saan magkakaroon ng halal-certified food stalls, fabric shops, at maliliit na negosyo. Kasama rin dito ang smart streetlighting, cultural archways, at disenyo na sumasalamin sa Muslim-Filipino architecture.
 
Layunin ng proyekto na baguhin ang bahagi ng Quiapo bilang isang makulay na sentro ng kalakalan at kultura, habang pinapanatili ang makasaysayang at relihiyosong pagkakakilanlan nito.
 
Nagpasalamat naman si Mayor Isko Moreno sa administrasyong Marcos at sa DBM sa kanilang tuloy-tuloy na suporta. Ayon sa kanya, malaking tulong ang proyektong ito hindi lang sa mga taga-Maynila kundi pati sa mga taga-Mindanao na nagbebenta ng kanilang mga produkto sa kabisera.
 
Hindi lang Maynila ang makikinabang rito pati ‘yung mga kapitbahay natin sa Mindanao,” sabi ni Mayor Moreno, na iginiit na makatutulong ang pagsasaayos ng mga lokal na negosyo para maging mas malinis, organisado, at lehitimo ang operasyon.
 
Ipinakita rin ni Mayor Isko kay Secretary Pangandaman ang mga paghahanda ng lungsod para sa ASEAN 2026 visit, kabilang ang mga proyektong urban renewal gaya ng Central Park at pagpapaganda ng mga heritage areas.
 
Ibinahagi naman ni Secretary Pangandaman na mahigit ₱78 milyon na ang nailabas ng DBM para sa Lungsod ng Maynila sa ilalim ng Green, Green, Green program upang suportahan ang pag-develop ng mga open spaces at green infrastructure.
 
Dagdag pa niya, ang tuloy-tuloy na pamumuhunan ng DBM sa mga lokal na proyekto ay patunay sa direktiba ni Pangulong Marcos na bumuo ng mga lungsod na inklusibo, matatag, at pangmatagalan ang kaunlaran sa ilalim ng kampanyang Bagong Pilipinas.
 
Pinakita din po ni Yorme ang napag-usapan nila ni Pangulong Marcos, ‘yung ating magiging Central Park,” ani Pangandaman, na muling tiniyak ang pangako ng DBM na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan para maisakatuparan ang ganitong mga proyekto.
 
Sa pamamagitan ng mga inisyatibang tulad ng Manila Halal Town, binibigyang-diin ng DBM ang legacy ni PBBM sa pagpapalakas ng ekonomiya at pagtataguyod ng pagkakaiba-iba ng kultura — upang masiguro na ang pag-unlad ng bansa ay para sa lahat.
 
Tinapos ni Secretary Pangandaman sa pagsasabing sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos, ang mga proyektong nakaugat sa kultura at komunidad ay magiging pundasyon ng isang tunay na inklusibo at maunlad na Pilipinas. 
 
(END)