Accessibility Tools

 

 
DBM Press Release
 
 
Consistent with President Ferdinand R. Marcos Jr.'s directive to continue providing support to those in need, Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman approved the release of an additional Php5 billion to fund the implementation of the Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.
 
The allocation aims to cover the budget deficiency of the AICS under the Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances, one of the major programs of the Department of Social Welfare and Development (DSWD).
 
"Malaking tulong po para sa milyun-milyon nating kababayan ang programa na nagbibigay ng financial assistance sa iba't ibang crisis situation, lalo ngayon na nakaranas ang bansa natin ng mga malalakas na bagyo at lindol. Kaya po inaprubahan natin ang pagpapalabas ng karagdagang P5 billion na pondo para sa AICS para may mapaghuhugutan po sila sa oras ng pangangailangan," Secretary Amenah said.
 
The AICS program provides medical assistance, burial, transportation, education, food assistance, and cash relief assistance to a person or family in need.
 
The aforementioned release targets to benefit additional 411,188 Filipinos in need for the remainder of the year.
 
The approved allotment and corresponding Notice of Cash Allocation are chargeable against the Fiscal Year 2025 General Appropriations Act.
 
###
 
FILIPINO VERSION
 
DBM chief inaprubahan ang pagpapalabas ng P5-B karagdagang pondo para sa AICS beneficiaries
 
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpatuloy ang pagbibigay-tulong sa mga nangangailangan, inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng karagdagang ₱5 bilyon para sa pagpapatupad ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.
 
Ang pondo ay gagamitin para mapunan ang kakulangan sa budget ng AICS sa ilalim ng Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances, isa sa mga pangunahing programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
 
Malaking tulong po para sa milyun-milyon nating kababayan ang programa na nagbibigay ng financial assistance sa iba’t ibang crisis situation, lalo ngayon na nakaranas ang bansa natin ng mga malalakas na bagyo at lindol. Kaya po inaprubahan natin ang pagpapalabas ng karagdagang P5 billion na pondo para sa AICS para may mapaghuhugutan po sila sa oras ng pangangailangan,” ani Secretary Amenah.
 
Sa ilalim ng AICS program, maaaring makatanggap ang mga indibidwal o pamilya ng tulong pinansyal para sa medical assistance, burial, transportation, education, food assistance, at cash relief depende sa pangangailangan.
 
Ang karagdagang pondo ay inaasahang makatutulong sa mahigit 411,000 pang Pilipinong nangangailangan bago matapos ang taon.
 
Ang inaprubahang allotment at ang katumbas na Notice of Cash Allocation ay manggagaling sa Fiscal Year 2025 General Appropriations Act.
 
###